Monday , December 23 2024

QCPD performance para sa taumbayan, ‘di para sa kompetisyon

WHAT a waste!

Sayang ‘ika nga sa tagalog … hehehe … Alin ang sayang?  Ang excellent performance ng Quezon City Police District (QCPD). Bakit sa-yang? Actually, hindi naman sayang kundi maraming mamamayan ng lungsod ang natuwa ngayon sa QCPD hinggil sa laban ng pulisya sa kriminalidad sa lungsod at iba’t ibang klase pang pagbibigay serbisyo sa residente.

Hindi lang sila natutuwa, kundi malaking pasasalamat ang ipinaabot ng mamamayan sa QCPD kaugnay sa pagsisikap ng pulisya para panatilihin ang peace and order sa Kyusi.

Ngayon ang sinasabi naman natin sayang ay ang korona na makukuha sana ng QCPD para sa taon 2012 hanggang second quarter ng 2013. Oo, kung hindi sana pinutol o hininto na ang pagbibigay ng award para sa best police district sa buong Metro Manila, malamang ang QCPD ang mag-uuwi na naman ng korona.

Bakit? Ibang klase kasi ang QCPD ngayon sa paglutas ng krimen – hindi lamang sa loob ng isang araw nalulutas ang isang nangyaring krimen dito kundi sa loob lang ng ilang minute o oras.

Ganoon ang QCPD ngayon, kakaiba talaga.

Paano kasi, hasang-hasa sa lahat ng pagsubok sa paglutas ng krimen ang District Director ng QCPD bukod sa magandang ipinakikitang leadership sa kanyang mga opisyal at tauhan.

Yes, kakaiba rin kasi ang estratehiya ng kam-panyang ipinamalas ni Chief Supt. Richard Albano. Bukod dito, hinog na hinog na rin ang kanyang mga imbestigador sa paglutas ng krimen partikular na ang mga nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumuno naman ni Chief Insp. Rodelio Marcelo.

Hayun sabi ng isang mataas opisyal na nakalataga sa NCRPO sa inyong lingkod, kaya raw ‘pinatay’ na ang pagbibigay ng award para sa best police district sa Metro Manila, dahil malamang daw na mag-uuwi ng korona ang QCPD.

Siyento por siyento daw kasi na ang QCPD ang mag-uuwi nito.

Kung matatandaan, ang koronang best police district sa QCPD ay kanila pang naiuwi  noong 2007. Hanggang ngayon ay hindi pa naaagaw sa QCPD. Kaya kung tuloy sana ang pagbibigay ng parangal – tiyak na ang pulisyang pinamumunuan ngayon ni Albano ang mag-uuwi ng korona nitong Oktubre 2013. Kaya lang hindi na nangyari ito  dahil ginawa nang nationwide ang kompetis-yon. Hindi na per district kundi per region na. Kung baga regional competition na.

Ano pa man, sabi ni Gen. Albano noong minsan kaming nagkaharap. Okey lang daw kung wala nang per district sa halip, aniya ang ginagawa ng QCPD ay hindi para sa isang kompetisyon hindi para sa bayan tulad ng kanilang isinumpang paglilingkuran ang lahat  – tiyakin ang seguridad ng mamamayan.

Hindi na natin kailangan isa-isahin pa ang mga panlaban sana ng QCPD para sa best police district kundi nakikita naman ng lahat ang kalagayan ng Kyusi ngayon. Nagkalat saan man sulok ng lungsod ang mga pulis para magbigay seguridad.

Katunayan ay lalong dinoble ng pulisya ang pagbabantay sa lungsod – ‘ika nga kung maaari ay walang magasgas ni isang mamamayan sa Kyusi ngayong magpa-Pasko.

Sa mga busy establishment, nandyan ang mga police assistance desk na puwedeng lapitan agad nang nangangailangan ng tulong. Bukod pa riyan ay nandyan din iyong mga naka-sibilyan na umiikot sa mall. Nand’yan din iyong mga detektib na nagbabantay sa labas – binabantayan ang mga sinasabing hot spot o paboritong lugar ng mga kriminal. Maging ang mga banko ang mahigpit din pinababantay ni Gen. Albano.

Ang dobleng pagbabantay ng ipinairal ni General ay dahil na rin sa nalalapit na Pasko.

Ano pa man General Albano sampu ng mga opisyal at tauhan ng QCPD. Kayo pa rin ang masasabing best police district para sa taon 2012-2013.

Kudos sa inyo diyan sa QCPD.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *