TINIYAK ng Malacañang sa publiko na batid ng pulisya ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang peace and order, lalo ngayong Kapaskuhan, matapos ang pag-atake ng Martilyo Gang sa isang mall sa Quezon City, kamakalawa dakong 7:00 ng gabi .
“Enforcement measures, they’ve taken this as part of their duty (during the) holiday season,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Dalawang oras matapos atakihin ng Martilyo Gang ang jewelry section ng SM North EDSA kamakalawa ng gabi, binisita ng Pangulo ang lugar upang personal na inspeksiyunin ang crime scene.
”He decided he wanted to see what’s the circumstances in the heist in SM North. And I’m sure there will be a proper investigation,” ani Lacierda.
(ROSENOVENARIO)