Nasa P4.3 million cash rewards ang ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pitong civilian informants na nagbigay ng malaking kontribusyon sa anti-drug campaign ng ahensya.
Pinapurihan ni PDEA Director General Arturo Cacdac, ang pitong informants na kinilala lamang sa kanilang codenames Segul, Mac-mac, Balik loob, Ebok, Coca, Cold Ice at Jows dahil sa pagbibigay ng impormasyon na naging resulta sa pag-aresto sa targetd drug personalities at ang pagkOmpiska ng illegal drugs sa ilalim ng PDEA Operation Private Eye (OPE).
Ayon kay Cacdac, ang reward at incentive scheme ay disenyo para hikayatin ang mga mga private citizen na magbigay ng impormasyon laban sa mga pinaniniwalaang illegal drug activities sa kani-kanilang mga komunidad. Sa pitong informants, si codename Jows ang nakatanggap ng P1.556,995.63 dahil pagbibigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng 36.7 kilos ng pinaniniwalaang shabu at ang pag-aresto ng isang Chinese at ang kasabwat na Pinoy.