MANILA, Philippines –Muling pinatunayan ni International Master (IM) Rolando Nolte ang kanyang posisyon na isa sa Philippines’ top chess players matapos magkampeon sa 5th Penang Heritage City International Chess Open 2013 na ginanap sa Red Rock Hotel sa Penang, Malaysia Biyernes ng gabi.
Giniba ni Nolte si Malaysian Yeoh Li Tian sa final round tungo sa 7.5 points sa nine outings at pagkopo ng coveted title.
Sa kanyang latest feat ay natamo ni Nolte ang top prize worth 5,000 Malaysian Ringgit.
Samantala ay tumapos sina IM Andrey Kvon ng Uzbekistan, IM candidate Roel Abelgas ng Philippines at FM Riste Menkinoski ng Macedonia na may tig 7.0 points para magsalo sa second hanggang 4th places.
Nanguna naman si GM Alexander Fominyh ng Russia sa huge group 6.5 pointers na kinabibilangan nina Yeoh Li Tian, FM Nelson “Elo” Mariano III at Ivan Gil Biag ng Philippines, Fong Yit San of Malaysia, FM Deni Sonjaya ng Indonesia, Marcus Chan ng Malaysia at IM Luis Chiong IV ng Philippines.
Sa isang banda, si World Youngest FIDE Master seven year old Alekhine Nouri ang hari sa Under 8-category na may 5.5 points habang si NM Carlo Magno Rosaupan ng Philippine Army ay solo second place sa Challengers section na may 7.5 points, full point behind kay eventual champion Gelar Sagara ng Indonesia.
Ang Filipino chess campaign sa Malaysia ay suportado ng National Chess Federation of the Philippines, Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee. (M. Bernardino)