Friday , November 15 2024

Kay Mon Morales tayo!

So then, let us not be like others who are asleep, but let us be alert and self-controlled.—1 Thessalonians 5-6

NAGKAISA na ang lahat ng mga Barangay Chairmen sa Maynila. Iisa na ang kanilang pambato para sa darating na halalan ng Liga ng mga Barangay sa Maynila.

Ang dating Councilor ng 3rd District na si Ramon “Mon” Morales, ang magsisilbing pambato ng oposisyon ngayomg Liga election, kontra sa mabahong liderato ni Philip Lacuna.

Morales, bilang Liga President!

***

SI Barangay Chairmen Dennis Castro ng Sampaloc naman ang kanyang ka-tandem bilang Liga Vice President. Maganda ang tambalang Morales-Castro, tamang-tama sa panlasa ng mga kabarangay natin.

Ang katangi-tangi sa tambalang ito ay very approachable at matulungin ang dalawang opisyal. Kumpara sa batang Lacuna na suplado at matapobre pa!

***

MAGIGING katuwang ng Morales-Castro tandem ang kanilang mga kandidato para directors sa Liga na sina Barangay Chairman  Darwin “Howie” Sia,  (District 2); Peter Ong (District 1); Jerome Chua (District IV); Jose Abrito (District V); Bal Billanes (District 6); Chairman Mariano (District 5) at Marina Vergara (Disitrict 6)

Ang tandem ng tunay na pagbabago na dala nina Morales at Castro ang magbibigay sa atin ng tunay na kinatawan ng liga sa konseho ng Maynila.

Maiba naman mga Kabarangay!

PANGGIGIPIT NG LIGA

NANGGIGIPIT na daw ang kampo ni outgoing Liga President Lacuna. Nakakaramdam na kasi ng pagkatalo. Kung ano-anong klase harassment at pagbabanta ang sinasabi sa mga barangay officials na hindi susuporta sa kanyang kandidatura sa nalalapit na Liga ng mga Barangay election sa Disyembre 18.

Na kesyo hindi pokpukin ang badyet ng barangay sa konseho, na kesyo mabibitin ang lahat ng proyekto ng barangay sa Maynila, na kesyo aalisin na ang mga incentives sa barangay at ang huli ay wala daw makukuhang cash gifts ang mga barangay chairmen.

Pawang mga pangha-harass!

***

PERO mga Kabarangay huwag tayong magpasindak sa kanila. Tatlong taon pa muli tayong sisindakin ng mga taong ito kung hahayaan pa rin natin manalo muli sila sa Liga.

Anim na taon na tayong, ginogoyo, binobola, sinusohulan ng mga ito. Walang matinong programa na isinulong ang Liga para sa ating barangayan. Bukod dito, hindi rin mapaliwanag ng liderato ni Philip ang tunay na financial status ng Liga, lalo na sa usapin kung saan napunta ang pondo hindi nagastos ng Liga sa may 100 barangay officials na hindi nakaalis papunta Malaysia ngayong huling quarter ng taon 2013.

***

UMAABOT sa P52 milyong piso ang badyet ng Liga taon-taon, pero hindi natin naramdaman ang presensya ng Liga sa Maynila.

Nitong Linggo sa asembleya, umiwas sa mga katanungan ang batang Lacuna nang tangkain ng mga kapatid natin sa barangay ang tunay na kalagayan ng Liga.

‘Yan ba ang tunay na lider ng Barangay?

***

KAYA mga kabarangay, kailangan natin ng pagbabago sa Liga ng mga Barangay sa Maynila.

Itakwil na natin si Philip at kanyang mga alipores na Directors. Palitan natin ang lahat ng opisyales ng Liga sa darating na Miyerkules.

Kay Mon Morales na tayo!

LUGI ANG MGA NEGOSYANTE

SA MAYNILA DAHIL SA TRAPIK

TOTOO ang naiulat na mahigit P2 trillion piso ang nawawala sa bansa sanhi ng matinding trapiko nararanasan sa Pilipinas.

Huwag na tayong lumayo dito lamang sa Lungsod ng Maynila, umaangal ang maraming negosyante dahil sa kawalang kaayusan ng trapiko.

***

KAPAG matrapik sa isang lugar o Lungsod, hindi maayos na nai-dedeliver ang mga goods,  serbisyo at iba pang may kaugnayan sa kalakalan o pagnenegosyo.

Ang resulta, nalulugi ang maraming negosyo, marami ang nawawalan ng trabaho at humihina ang kalakalan sa merkado.

***

DECEIVING ang pagsasabi na naayos na daw ang trapiko sa Maynila. Heto ang magpapatunay na mas lalo naging grabe ang trapik sa Lungsod.

Sa totoo lang hindi natin kailangan ang isang traffic czar, ang kailangan natin ay senseridad na personalidad at political will sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko. Lumalabas kasi na pakitang tao at ningas kugon lamang ang polisiya ni traffic czar.

Ang totoo din asar na ang publiko kay traffic car!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *