Friday , November 15 2024

Araw ng kataksilan (Ikalawang bahagi)

HALOS isang taon ang dumaan mula ng balangkasin ang patakarang “Europa Muna” sa Washingto D.C. bago ito ipinag-bigay alam kay Pangulong Quezon. Nang malaman niya ang tungkol dito ay tini-tiis na niya sa loob ng Malinta Tunnel sa Corregidor ang halos maya-mayang panganganyon at pambobomba ng mga Hapones.

Sa sobrang pagka-unsyami ni Pangulong Quezon ay nasabi niya kay Hen. MacArthur na baka mas mabuting magdeklara na lamang ng neutrality ang pamahaalng Pilipino sa nagaganap na digmaan at ng hindi naman masyadong maperwisyo tayong mga Pilipino.

Minsan, sa sobrang galit ni Pangulong Quezon, habang siya ay nakikinig sa radio sa talumpati ni U.S. Pres. Roosevelt ay napasigaw siya ng ganito: “come, listen to this scoundrel! Que demonio! How typical of America to writhe in anguish at the fate of a distant cousin, Europe, while a daughter, the Philippines, is being raped in the back room!”

Hindi natuloy ang pagdedeklara ng neutrality dahil sa pakiusap kay Pangulong Quezon ng kanyang kumpare na si Hen. MacArthur. Napakiusapan pa rin siya na tumakas papuntang U.S. Si Pangulong Quezon ay namatay nuong 1944 habang ginagamot ang kanyang karamdamang Tubercolosis sa Saranac Lake, New York.

Bago pa man nag-umpisa ng digmaan ay may pasya na ang Amerika kung sino ang kanyang unang ililigtas – ang kanyang kakulay (puti) na pinsan o tayong mga kayumanggi na diumano ay kanyang mga anak.

Ang pasyang iyon ng Amerika ang dahilan kung bakit halos isang henerasyon ng kabataang Pilipino ang namatay sa mga labanan sa Bataan at Corregidor. Ito ay mga labanan kung saan talo na tayo bago pa man nag-umpisa ang bakbakan. Hindi natin inakala na tayo pala ay ginagamit ng mga Amerikano upang sagipin ang isa pa nilang kakulay na mga “kamag-anak,” ang mga Australyano.

Ang ika-7 ng Disyembre ay simula ng isang malungkot na kabanata sa ating Kasaysayan. Tayo ay pinagtaksilan at ginahasa sa ating sariling pamamahay na may pahintulot ang dapat sana ay aating ina. Ibinala tayo sa kanyon sa mga labanang tiyak na wala naman tayong panalo. Marami ang namatay na hindi alam ang kung bakit. Hay talagang araw nga ng kataksilan ang Disyembre 7.

* * *

Nakakahiya itong ating mga mambabatas na kung umasta ay parang palengkero at palengkera. Imbes na mahahalagang isyu na may kaugnayan sa bayan ang pag-usapan ay ang kanilang mga personal na baho ang tinatalakay sa bulwagan ng senado.

Ang privilege speech ay isang pribelihiyo para sa bayan hindi sa sariling usapan. Nakakahiya kayo.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *