BUTUAN CITY – Limang police officers ang sugatan nang masabugan ng improvised explosive device (IED) ang kanilang sinasakyan sa bayan ng Bacuag, Surigao del Norte.
Ang mga pulis na hindi muna isinapubliko ang mga pangalan ay mula sa inagurasyon ng farm-to-market road project sa Brgy. Dugsangan nang masabugan sa boundary ng Brgy. Paypay.
Ayon kay S/Insp Liza Montenegro, tagapagsalita ng Surigao del Norte police office, ang kanilang mga kasamahan ay bahagi ng advance team na inatasang mag-secure kay Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Teresita Deles at sa kanyang grupo na dumalo sa nasabing event.
Napag-alaman sina Deles at kanyang entourage na binubuo ng ilang top government officials ay nasa tatlong kilometro ang layo mula sa lugar na pinangyarihan.
Ayon kay Army spokesman Major Christian Uy ng 4th Infrantry Division, ang mga biktima ay pawang mga miyembro ng Bacuag municipal police station at ng provincial police safety command na swerteng dumanas lamang ng minor injuries.