Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sibakan sa DepEd banta sa Pasko (Libo-libong empleyado apektado)

121613_FRONT

HINDI magiging masaya ang Pasko para sa libo-libong empleyado ng Department of Education (DepEd) na mawawalan ng trabaho bago matapos ang taon, pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list.

Sinabi ni ACT Rep. Antonio Tinio, ang malawakang sibakan sa trabaho ay bunsod ng pag-iisyu ng panuntunan na nagpapatupad sa rationalization plan ng DepEd nitong Disyembre 3.

Sa rationalization plan, ang DepEd ay magpapatupad ng bagong sistema sa paglalagay ng staff sa sumusunod na mga tanggapan: lahat ng central office units, 16 regional office units maliban sa DepEd-ARMM, at 206 school division offices.

Bukod sa pagpapatupad ng bagong sistema, ang DepEd din ang may solong hawak ng opsyon kung pananatilihin o babawasan ang kasalukuyan nilang bilang ng mga empleyado.

Ang mga empleyado na ang items ay maaapektohan ng rationalization plan ay maaaring pumili ng pananatili sa government service o mag-avail ng retirement o separation incentives.

Bilang resulta, ang posisyon ng lahat ng personnel na masisibak ay idedeklarang “non-vital or redundant,” diin ni Tinio.

Binatikos ni Tinio ang DepEd sa aniya’y pag-railroad sa pagpapatupad ng rationalization plan na itinaon pa ngayong Kapaskuhan.

“Hindi makatutulong ang pagmamadaling ito sa karaniwang kawani lalo na’t papasok na ang Pasko’t bagong taon. Panibagong delubyo rin ito para sa mga nasalanta ng Yolanda at iba pang bagyo pati na rin ang naapektohan sa stand-off sa Zamboanga.”

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …