MAS lalo raw sumama ang collection deficit ng Bureau of Internal Revenues (BIR) sa ilalim ng administrasyon ni PNoy.
Ang BIR at ang Bureau of Customs ay kapwa nasa ilalim ng Department of Finance (DoF).
Sa dalawang ahensiyang nabanggit, na may malaking papel sa tax collections, pero ang tila nakikita nating masyadong napag-iinitan lang ‘e ang Bureau of Customs.
Nabanggit na natin sa mga nakaraang kolum na maraming opisyal ng BoC ang itinapon doon sa isang bodega ‘este’ opisina sa Bangko Sentral ng Pilipinas – ang DOF – Customs Police and Research Office (CPRO).
Sa CPRO – ang mga opisyal ng BoC na dating nakatulong nang malaki sa koleksiyon ng Bureau ay tila IBINURO. Pinalitan sa kanilang mga pwesto ng mga bago at hindi taga-loob ng Bureau.
At d’yan tayo nagtataka nang husto.
Bakit ang mga taga-Customs ay tila grabeng pinarurusahan, pero ‘yung BIR na mas malaki pa ang SABLAY, halos P300 bilyones ang hindi makolektang buwis ‘e kasama pang nagdidiin sa mga opisyal ng Customs.
SONABAGAN!
Hindi ba pwedeng maging PAREHAS ang DoF sa pagtrato sa kanyang mga ahensiya?!
Kung ‘yung mga taga-Customs na sinabi nilang kapos ang koleksiyon ‘e nai-destiero nila sa CPRO ‘e bakit ‘yung mga opisyal ng BIR hindi nila maibartolina ‘este’ mailagay rin sa DOF – policy and research office?!
Commissioner KIM HENARES Madam, huwag naman po ninyong DIINAN ang BoC kung hindi rin ninyo kayang ipatupad sa ahensiyang inyong pinamumunuan.
Pare-parehas lang Madam KIM and please be fair.
Pwede ba ‘yun?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com