Monday , December 23 2024

Gobyerno ‘bato’ sa lahat ng price hike

WALA pang konkretong hakbang ang administrasyong Aquino para maibsan ang pasanin ng publiko sa pagtaas ng singil sa koryente, paglobo ng presyo ng bilihin at nakaambang dagdag-pasahe sa MRT at LRT.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bagama’t may mga talakayan nang nagaganap sa gabinete kung paano masasalag ang pagtaas ng mga presyo at singilin, wala pa siyang masasabing punto ng diskusyon.

“Well, again, there are discussions in place on how to cushion the impact of the impending increases and such. So, of course, we are aware of like, as you mentioned, that there is possibly an effect that will go down the line and that will eventually be shouldered by the end users, which is why the President has given instructions on how to—on several avenues to explore in order to cushion effects of the hikes that you’re looking at,” ani Valte.

Bagama’t nakababahala aniya ang pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na pagtaas ng inflation rate bunsod ng power rate at fare hike ay naniniwala siyang hindi naman sa gobyerno nagagalit ang publiko.

“Siguro po iyong parang iyong nagiging galit ho ng mga tao, at least as far as the power hikes are concerned, I’m not quite sure if I’m ready to agree with you that it’s  directed to government. Nakikita naman po na meron din hong naiuutos ang Pangulo na titingnan kung para nga ho—paano maibsan. And I’m not quite ready to agree with you there that anger is directed to the President when it comes to this,” giit ni Valte.

Dagdag pa niya, wala pa ring panukalang maisusumite ang gabinete sa posibilidad na magamit ang Malampaya Funds bilang subsidy sa pagtaas ng singil sa koryente, batay sa kautusan kamakailan ni Pangulong Aquino.

ni ROSE NOVENARIO

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *