Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis, magulang patay sa ratrat ng ex-BF

121413_FRONT

PATAY ang  anim-buwan buntis  at kanyang mga magulang nang magwala at mamaril ang ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan, sa Navotas City kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang mga biktimang  sina Jocelle Dinolang at mag-asawang Rosa at Cecilio Dinolang, nasa hustong gulang, mga residente ng Kalye Impiyerno, Tabing-Dagat, Brgy. San Roque.

Sa ulat,  mga tama ng bala ng kalibre .45-mm at 9-mm pistol ang ikinamatay ng mga biktima,   na malapitang binaril sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan.

Pinaghahanap ang kapitbahay na suspek na kinilalang isang alyas  Gigi, na mabilis  tumakas matapos ratratin ang mga biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong 7:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa labas ng bahay ng mga biktima.

Dumating ang suspek upang muling suyuin ang girlfriend na nabuntis niya pero binungangaan ng mag-asawa ang suspek.

Dahil umano sa labis na kahihiyan at pagka-insulto, umalis ang suspek at nang magbalik ay walang sabi-sabing niratrat ang mga biktima.

Basyo ng kalibre .45 at .9mm baril ang nakuha ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng insidente.

ni rommel sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …