Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot sinuba sa sex 2 bading tinarakan

HALOS manghiram ng mukha sa aso ang isang lalaki nang kuyugin ng taumbayan matapos pagsasaksakin ang dalawang bading na make-up artist dahil sa hindi pagbabayad makaraan ang pakikipag-sex ng isa sa mga biktima kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Arestado ang suspek na kinilalang si Lester delos Santos,19, ng Barrio San Jose, Navotas City, na bugbog ang inabot at nahaharap sa kaukulang kaso habang nakapiit sa detention cell ng Navotas Police.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang mga biktimang kapwa 29-anyos na sina Roderick Doctor alyas Regine, at Allan Kahulugan alyas April, residente ng #60 Samson St., Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa mukha at likod.

Sa ulat ng pulisya, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng dalawang make-up artist sa nasabing lugar.

Dumating ang suspek at tumabi sa natutulog na si Doctor hanggang mauwi sa pakikipagtalik.

Matapos ito, hinihintay ng suspek ang napag-usapang P200 bayad ngunit hindi siya binigyan hanggang magkaroon ng mainitang pagtatalo at pinagsasaksak ni Delos Santos si Doctor at si Kahulugan.    (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …