NAGBITIW na (sa wakas?) si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) chief, Secretary Ricky ‘ces’ Carandang.
Maliban sa pahayag na ginawa na raw niya ang kanyang tungkulin, wala nang iba pang sinabi si Carandang kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.
Epektibo na ang kanyang resignasyon hanggang Disyembre 31. At pagkatapos nito ay lilipat na siya sa isang pribadong kompanya (o balik ABS CBN?)
GOOD RIDDANCE ba ito?!
Ano ba ang ginawa o nagawa ni Carandang sa PNoy administration?! Mayroon bang naaalala ang sambayanang Pinoy na ginawa niya para sa bayan o pagandahin at idepensa ang mga bumabatikos kay PNoy?!
‘E ‘di nga ba’t sumikat nga lang siya dahil sa pagbili ng mamamahaling GADGET (Mac computers) para sa opisina n’ya sa Malacañang, ‘di ba?
How about, madam Abigail Valte, Secretary Lacierda at Secretary Sonny ‘Colocoy’ este Coloma, kailan naman kaya sila papalitan?!
O kailan kaya sila magre-RESIGN?!
Pansamantala umano, si Undersecretary Manolo Quezon ang mag-o-oversee sa operations ng PCDSPO.
Magkaroon naman kaya ng malaking shake up sa Communications Department ng Malacañang?!
‘Yan po ang aabangan natin.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com