Friday , November 15 2024

Pakibasa lang MPD DD Gen. ISAGANI Genabe,Jr.

00 Bulabugin JSY

GOOD day sir!

Tagasubaybay po ninyo ako at labis po akong humahanga sa bawat kolum ninyo.

Kamakailan po ay nabasa ko po ang kolum ninyo patungkol kay bagman Bong!  

Noong nakaraang buwan lamang ay may napatay na si SPO4 Castillo sa Binondo hindi po ba? Bago po mangyari ang patayan ay may nahuli ang grupo ni bagman Bong na isang Chinese dahil may timbre sa kanila na may dala na drugs galing sa informant nila. Tauhan ni bagman Bong si Castillo kahit na mas mataas ang rango sa kanya.

Nang mahuli nila ang Chinese ay nakakuha sila ng mga droga o shabu na pag-aari ng Chinese. Walang awang ginulpi ang Chinese at pinasuka pa ng 5 milyong piso ang nasabing Chinese. Ang 5 milyong halagang nakuha ni Bong ay kanyang ibinigay sa kanyang amo na si Kernel ——— ! Ngunit hindi lahat ay ibinigay sapagkat ang kanya lamang idineklara ay 3 milyong piso na ang 2  milyon ay napunta kay Kernel at ang 1 milyon ay biniyak ng grupo nila. Habang may kupit pa si Bong na 2 milyon. Habang ini-recyle (binenta) naman ng kanilang grupo ang mga shabu na nakuha nila mula sa Chinese.

Sa galit ng Chinese ay niresbakan ang grupo ni Bong at sa kasamaang palad ay nasampolan nga c Castillo at hindi raw titigil hangga’t hindi napapatay  si Bong na tuta ni Kernel.

Dahil nga may banta sa grupo ni Bong, natakot si Bong at agad pinalitan ang gamit niyang Fortuner na sasakyan kahit pa may 3 klase ng baril at laging may dalang sangkaterbang pera na nakalagay sa isang vault na matatagpuan sa loob ng nasabing Fortuner na nakabalot ng mat. Pampabigat din daw sa sasakyan n’ya dahil maalog ang Fortuner ‘pag konti ang pasahero.

Masyadong matalim c bagman Bong at magaling gumawa ng pagkakaperahan kaya most requested talaga siya ni Kernel ———— . Biruin mo, nasa ibang lugar na, pero pilit talaga siyang kinuha ni Kernel para roon sa presinto mailagay.

Kamakailan din ay nagreklamo ang mga transport group jan sa Recto dahil sa sobrang pangingikil ng mga pulis na isa si Bong sa mga makikinabang nang malaki.

Kahit sa vendors ay malakas din mangikil sa pamamagitan ng DPS. Kaya nga nandon sa DPS ang kanyang kinakasamang si Atty. M —— kung tawagin. sa lahat ng ito syempre hindi uuwing luhaan ang kanyang hepe kahit sabihing mas malaki ang nabubukol ni Bong kay Kernel.

Noong panahon ni Lim, nagtago din ‘yang si Bong dahil pinapapatay na siya ni Lim sa sobrang dami ng kawalanghiyaan.

Kahit sa shabu tiangge sa Pasig ay dawit din si Bong, doon siya nakatira kasama ang kanyang kinakasamang si Atty. M —— sa Pineda, Pasig. Pag-aari ni Bong ang isang compound at bago ka makapasok ay dadaan ka muna sa mga tauhan n’yang nakatira sa bungad na kapwa mga adik at pusher ng droga.

Sana po ay makatulong sa inyo ang impormasyon na ito. Mabuhay po kayo.

– Email withheld upon request.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *