NATANGGAP ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ang ikaanim na Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) – Exploration Category sa pagpapakita ng namumukod-tanging antas ng dedikasyon, inisyatiba at inobasyon upang mas mapahusay ang pamamahala sa kapaligiran, kaligtasan at kalusugan gayondin sa pagpapaunlad ng komunidad.
Ayon kay SMI Executive Vice President Justin Hillier, buong pagpapakumbabang tinanggap nila ang pagkilala at ibinahagi ang Presidential Award sa mga lokal, rehiyonal at pambansang kasangkot sa Tampakan Project gayon din sa mahahalagang kabakas sa proyekto.
Ipinagkaloob sa SMI ang award sa 60th Annual National Mine Safety and Environment Conference na idinaos kamakailan sa Baguio City at inorganisa ng Philippine Mine Safety and Environment Association.
“This Award reminds us of the partnership we have with our stakeholders, and is a testament to the trust and support we have received from them. Importantly, we are committed to further nurturing this trust and support as we progress the Tampakan Project,” ayon kay Hillier.
Itinatag ang PMIEA sa pamamagitan ng Executive Order No. 399 na inisyu noong 1997 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, para kilalanin ang mga namumukod-tanging kompanya sa bansa na nagtataguyod ng responsableng pagmimina lalo sa operasyong pangkapaligiran at panlipunan.
Unang tumanggap ang SMI ng PMIEA noong 2006 na nasundan ng apat na sunod noong 2009, 2010, 2011 at 2012.
Sa pagwawagi ngayon taon, apat na beses nang tumanggap ang SMI ng Presidential Award sa ilalim ng pamahalaang Aquino.
“These awards once again affirm SMI and our shareholders’ unwavering commitment to develop the Tampakan Project to industry-leading practices and international standards for sustainability practices,” dagdag ni Hillier.