SA NAKARAANG pagdinig sa House Committee on Ways & Means, na pinamumunuan nina Rep. Romero “Miro” Quimbo (2nd District, Marikina City), at Rep. Thelma Almario (2nd District, Davao Oriental), ang mga bagong appointee sa Customs ay kinakailangan magsumite ng kanilang resume’ sa House panel upang ma-scrutinize ang qualifications ng mga bagong BoC officials.
Bukod d’yan ipinakaklaro rin ni Rep. Quimbo, kung mayroon ngang “militarization” sa BoC dahil umano sa rami ng dating military personnel ngayon sa BOC.
Bukod d’yan umabot na sa 37 at patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na inilipat sa Customs Policy Research Office (CPRO) sa utos ng Department of Finance.
Na ibig sabihin, ‘yang mga inilipat sa CPRO ay kinakailangan din palitan sa kanilang mga dating pwesto.
Kaya nga sa tingin nina Rep. Miro Quimbo at Rep. Almario (2nd District, Davao Oriental), ay malaki ang pangangailangan na masuri ang kanilang mga kakayahan.
Gusto umanong masuri ng nasabing Committee kung ang mga bagong appointed kapalit ng mga inilipat sa CPRO ay kwalipikado sa posisyong kanilang tinatanganan.
Ayon kay Rep. Almario, meron silang na-interview na ang sabi ay ilang linggo pa lang sila sa Bureau, meron naman umanong nagsabi na three years na sila.
Pero ang importante umano ay kung kaya ba nilang gampanan ang kanilang mga trabaho sa Bureau of Customs lalo na ang pag-abot sa target collections.
Ani Almario, “What experience (of appointees) can justify why you are now at the BOC at what port are you designed to perform?”
Pabor naman si Rep. Quimbo sa appointment ng mga bagong opisyal sa BoC lalo na ‘yung mga appointed ng Pangulo pero s’yempre kailangan pa rin daw nilang mabusisi ang resume ng mga opisyal.
Aniya, “lawmakers are going to be the new BOC officials’ Number 1 defender and at the same time their Number 1 scrutinizer.”
Tungkol naman sa isyu ng ‘MILITARIZATION,’ mariing ipinalilinaw ni Rep. Quimbo sa Department of Finance kung ano ba talaga ang direksiyon ngayon ng BoC?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com