Friday , November 15 2024

Staff ng solon tinutugis ng NBI (Sa mga pekeng SARO sa DBM)

120613_FRONT

KUMILOS na ang National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang staff ni Rep. Lilia Nuño na nagtago makaraang masangkot sa fake Special Allotment Release Order (SARO) scam.

Ayon sa NBI, sinimulan nila ang paggawa ng aksyon matapos iutos ni House Speaker Feliciano Belmonte na tuntunin si Emmanuel Raza, staff ni Nuño.

Si Raza ang natutukoy na pinagmulan ng pekeng SARO at siya ang may contact sa DBM na tinukoy lamang sa alyas na “Supremo.”

Ipinangako naman ng NBI na hindi sila titigil sa paghahanap hangga’t hindi nalalaman ang kinaroroonan ni Raza.

Napag-alaman na kailangan malaman ang partisipasyon ni Raza sa scam kaya dapat na mahanap agad siya.

Duda si Belmonte kung bakit hanggang ngayon ay hindi sumisipot ang nasabing staff sa NBI gayong kamakalawa pa siya dapat magbigay ng pahayag sa kanyang panig.

Una nang nag-file ng kanyang leave of absence si Raza sa tanggapan ni Nuño matapos uminit ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa isyu.

PIRMA SA SARO SA 15 LAGUNA TOWN PEKE — NBI

KINOMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na peke ang proyekto at lagda na makikita sa pekeng special allotment release order (SARO) na naglalaan ng P900 milyon para sa water treatment system project sa 15 bayan sa Laguna.

Ito ang lumalabas sa initial findings ng NBI na isinumite kay Justice Secretary Leila de Lima kaugnay sa pagsisiyasat sa P900 million halaga ng pekeng SARO na pinaimbestigahan ng Office of the President.

Napag-alaman na ang sinasabing pirma ni Undersecretary Mario Relampagos ay lumalabas na peke rin.

Batay rin sa report ng Finance and Administrative Services ng Office of the President, ang tanggapan ng pangulo ay walang water treatment project.

Nabatid na ang project code na nakasaad sa pekeng SARO ay hindi para sa PDAF project kundi para sa proyekto ng Commission on Higher Education.

Wala rin anilang empleyado ang DBM na nagngangalang Edna Sumadlayon-Sagun, Erwin Esteban at Marlyn Santule, kahit na kawaning may apelyidong Sagun at Esteban.

Ang tatlong nabanggit na indibidwal na nagpakilalang empleyado ng DBM ang nagpresinta ng pekeng SARO na nakalaan para sa pagbili ng mga water purification machine.

Ang P900 milyon halaga ng pekeng SARO ay hiwalay pa sa naunang kaso ng 12 pekeng mga SARO na nagkakahalaga ng P879 milyon na inilapit ni Budget Secretary Florencio Abad sa NBI para imbestigahan.

STAFF SA KAMARA ISINALANG SA BACKGROUND CHECK

ISINAILALIM ni Zamboanga Rep. Lilia Nuño sa background check ang lahat ng kanyang staff matapos madawit ang isa sa kanila sa fake special allotment release order (SARO) scam.

Ayon kay Nuño, bahagi ito ng kanyang pag-iingat matapos siyang magulantang sa partisipasyon ng kanyang political assistant na si Emmanuel Raza.

Si Raza ang nagpaabot ng kopya ng SARO sa tanggapan ni Cagayan Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso sa pamamagitan naman ng staff ng appropriations committee na si Jose Badong.

Aminado si Nuño na marami sa kanyang mga staff ay hindi niya kilala nang personal dahil minana lamang niya ang ilan mula sa mga dating kongresista.

Hindi aniya niya inakala na isa ay sangkot sa pinaniniwalaang iregularidad at ayaw na niyang maulit ito mula sa hanay ng kanyang mga empleyado.

nina L. BASILIO/B. JULIAN

 

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *