Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 dalagita nilamas, lolo kalaboso

KALABOSO ang 65-anyos lolo matapos lamasin ang maselang bahagi ng katawan ng dalawang dalagita sa Mandaluyong City kamakalawa.

Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Shiela, 15, at Miriam, 14, kapwa nakatira sa Brgy. Mauway, ng nasabing lungsod.

Nadakip ang suspek na si Reynaldo Borja y Rialez, biyudo, at residente ng #956, M. Cruz St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Monette Langil, dakong 3:35 p.m. naganap ang insidente habang nagha-handa ang mga biktima kasama ang iba pa nilang kaklase sa gagawin nilang practice sa sayaw, sa tapat ng tindahan ng pamilya ng biktimang si Shiela.

Habang nakatayo si Shiela ay bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ang suspek at walang sabi-sabing dinakma ang maselang parte sa ibaba ng biktima.

Ayon kay shiela, “Pagkadakma po sa ari ko ay takot na takot po ako at agad akong napalingon pero nakita ko po ang matanda (suspek) na galit pa po siya at pinaglakihan pa ako ng mga mata sabay sabi sa akin na ‘Ano Galit Ka.’”

Sa puntong ito ay agad naman pinagsabihan ang suspek ng isa pang biktima na si Miriam, “Bakit mo hinawakan, babae ‘yan”.

“Ano ang pakialam mo, gusto mo hawakan ko rin ‘yang sa iyo,” pahayag ng suspek sabay dakma sa ari ni Miriam.

Agad naaresto ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong acts of lasciviousness in relation to R.A .7610 (Child Abuse).

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …