Friday , November 15 2024

Malalaking isda daw naman!

NAKABIBILIB na nga ba ang Department of Justice (DOJ)? Nagpakitang-gilas kasi ang ahensya. Ipinakikita ni DOJ Sec. Leila De Lima na wala kinikilingan ang gobyernong Aquino o ang batas. Patunay dito ay ang pagkakadawit kay Customs Commissioner Ruffy Biazon kaugnay sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Pero bilang paglilinaw, wala po kinalaman ang pagiging komisyoner ni Biazon sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya sa Ombudsman at sa halip ay may kinalaman sa kanyangh prok barrel noong siya pa ay isang mambabatas.

Pero ano pa man, sa kabila ng ipinakita ng DOJ, kinukuwestiyon pa rin ang kakayahan ng ahensya. Hinahamon pa rin ng ilang militante ang DOJ. ‘Ika ng grupong Bukluran ng Manggagawa ay desmayado sila sa masasabing bitin na hakbangin ng DOJ.

Sa pagkakatong ito, bigyan-pansin natin ang ipinadalang statement ng BMJ bilang reaksyon sa pinakahuling accomplishment ng DOJ. Narito at basahin natin mga suki:

DESMAYADO ang lider-manggagawa na si Gie Relova ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa ikalawang batch ng mga kinasuhan ng National Bureau of Investigation at Department of Justice (DOJ) sa tanggapan ng Ombudsman. Tinawag niya itong, “piling-pili at malayo sa inaasahan ng mamamayan.” Ang mga isinampang kaso ay may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam, tatlong buwan matapos isampa ang naunang batch na kinabibilangan ng mga oposisyong mambabatas gaya ni Bong Revilla, Juan Ponce-Enrile at Jinggoy Estrada.

“Nakatutuwang ipinagmalaki ni Sec. Leila De Lima na patunay daw ang pagsasampa nila ng kaso laban kay Customs Commissioner Ruffy Biazon na walang kinikilingan ang DOJ, administrasyon o oposisyon. Kung totoo, bakit si Biazon lamang ang nasampahan sa dami ng sangkot sa administrasyon sa PDAF scam, nasaan ang malalaking isda? Ito’y dahil ba sa pinuna na siya ng Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo? Marami sa mga kaalyado ni Aquino ang nabisto sa Commission of Audit (COA) report para sa mga taon 2007 hanggang 2009, bakit sila hindi naisama,” tanong ni Relova.

“Hindi maaaring palagpasin ng manggagawa ang amnesia ni De Lima. Alam naman ng lahat na hindi makukumbinsi ang galit na taumbayan na patas ang gobyerno dahil lamang sa iisang alyado ng Pangulo ang sinampahan ng kaso. Ipaalala natin kay De Lima na noon pang huling linggo ng Agosto ay binanggit na ng COA na kabilang sina Senador Ralph Recto, Gringo Honasan, Lito Lapid at dating Senator Edgardo Angara sa ilan sa mga mambabatas na nagbigay ng kanilang alokasyong PDAF sa mga NGO, bahagi ng COA 2007 hanggang 2009 report at ayon sa COA, ito’y labag sa batas,” sabi ni Relova.

Ang tinutukoy ni Relova ay noong humarap si COA Chairperson Grace Pulido-Tan’s sa Senate Blue Ribbon Committee noong Agosto 28 na sinabi niyang labag sa Government Procurement Act ang ginawa ng mga mambabatas. Maaari lamang daw maging legal kung may batas ang Kongreso o ordinansa na nagpapahintulot nito.

Sina Senador Recto at Angara ay mga kilalang mga kaalyado ng Pangulong Aquino habang si Senador Honasan ay nanalo sa Eleksyon 2013 sa ilalim ng United Nationalist Alliance ni Bise-Presidente Jejomar Binay. Si Senador Lapid naman ay miyembro ng Lakas-CMD.

Iginiit ng lider ng BMP na dapat kabilang din sa ikalawang batch sina Manila Rep. Amado Bagatsing (LP), Bulacan Rep. Ma Victoria-Sy Alvarado (Lakas-CMD), dating Malabon/Navotas Rep. Federico Sandoval II (LP), dating Isabela Rep. Anthony Miranda (PMP) at dating Quezon City Rep. Matias Defensor (Lakas-CMD), ilan sa mga mambabatas na naglagak ng kanilang PDAF sa mga NGO na kontrolado ng kanilang mga kamag-anak.

Hiling din ng grupo na i-freeze na rin dapat ng gobyerno ang bank accounts ng mga mambabatas para mabawi pa ang ninakaw sa kaban ng bayan.

Sinabi ni Relova na, “Naging mas produktibo pa sana ang DOJ dahil ilang buwan na nilang hawak ang COA report at lahat ng mga opisyal na dokumento. Parehong nakapanlulumo ang kapalpakan ng DOJ at ang pork barrel scam. Bilang pinakatapat na nagbabayad ng buwis, higit pa riyan ang karapat-dapat sa amin.”

Iyan po ang komento ng BMP hinggil sa pinakahuling pagpapakitang-gilas ng DOJ at NBI.

Kayo mga kababayan, anong masasabi ninyo?

***

Para sa inyong reklamo, komento at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *