Monday , December 23 2024

Enrile utak ng plunder, womanizer, kriminal (Resbak ni Miriam)

DUMALO sa sesyon ng Senado kahapon si Senadora Miriam Defensor-Santiago upang ipahayag ang kanyang privilege speech laban kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Sa harap ng kapwa mga senador, inakusahan ni Santiago si Enrile bilang

“mastermind of plunder,” “best friend forever” ni pork scam queen Janet Lim-Napoles, at “womanizer.”

Inakusahan din ng senadora si Enrile bilang “global gambling lord,” “icon of shameless lying,” “king of smuggling empire,” at “kriminal.”

Bukod dito, hinamon din ni Santiago si Enrile na sumalang sa debate sa pork barrel scam.

Iginiit pa ni Santiago na imbes sagutin ni Enrile ang mga akusasyon laban sa kanya ay puro lamang kasinungalingan ang mga pinagsasabi ng dating Senate president, at puro lamang paninira sa kanya na wala namang basehan.

Hiniling din ni Santiago sa Department of Justice na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Enrile ukol sa “ambush me” at pagkakasangkot sa illegal logging na ikinamatay ng ilang inosenteng mamayan.

Binigyang-linaw pa ni Santiago nasa ilalim ng Senate Rules ay maaaring masuspinde si Enrile ng 60 araw dahil sa kanyang paninira o pagsasalita ng masama laban sa kanyang kapwa senador.

Tinukoy pa ni Santiago na kung inaakala ni Enrile na makaliligtas siya sa kaso dahil sa kanyang edad ay nagkakamali siya dahil tanging ang pagkakulong lamang ang kanyang maliligtasan.

Idinagdag pa ni Santiago, sakaling mapatunayan na si Enrile ay nagkasala, maaaring bawiin ng pamahalaan ang kanyang mga ari-arian na mapapatunayang galing sa katiwalian at anomalya.

Hindi rin natakot si Santiago na harapang duruin, panlakihan ng mata at sigawan ni Enrile habang inihahayag ang kanyang priviledge speech.

Samantala, habang nagsasagawa ng speech si Santiago ay tumatawa lamang si Enrile at busy sa paglalaro ng kanyang paboritong “Bejeweled” sa kanyang tablet.

Matapos ang speech ni Santiago ay hindi nagpaunlak pa ang senadora ng ano mang interpelation o mga tanong sa kanyang kapwa senador dahil ano mang oras aniya siya ay aatakehin na siya ng kanyang sakit na Chronic Fatigue Syndrome.

At habang papalabas si Santiago ng session hall ay inaalalayan siya ng isa sa kanyang staff na animo’y kanyang tungkod.

Pahabol na pahayag ni Santiago, normal lamang na maging reaksyon ni Enrile ang tumawa at maglaro dahil ito lamang ang kanyang tanging magagawa

sa kanyang edad at wala aniyang maisasagot ang dating Senate president sa kanyang binitawang mga pahayag.

Samantala, binigyang-diin ni Miriam na pampapogi lamang ang pagkakatalaga ni ni dating senador Panfilo “Ping” Lacson bilang rehab czar, para sa kanyang presidential bid sa 2016.

(NIÑO ACLAN/

CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *