Monday , December 23 2024

Bigtime power rate hike idinepensa ng Palasyo

AGAD idinepensa ng Malacañang ang nakaambang bigtime power rate hike sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon.

Nauna rito, maraming konsumer ang umaaalma dahil kung kailan magpa-Pasko saka naman nagtaasan ang presyo ng mga bayarin.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang P1 bawat kilowatt na ipapataw ng Meralco ay risonable at naaayon sa batas.

Ayon kay Coloma, malinaw namang nakasaad sa petisyon na pansamantala lamang ang power hike sa loob ng Nobyembre 11 hanggang Disyembre 11 habang inaayos ang Malampaya power plant na pinagkukunan ng gas energy para sa power generation.

Iginiit pa ni Coloma, walang magagawa rito ang gobyerno dahil sa umiiral na deregulasyon at nakabatay na ito sa dikta ng merkado o market-driven.

Hindi aniya gagamitin ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang moral suasion at hindi kakausapin ang energy players para ipagpaliban ang power rate hike.

(ROSE NOVENARIO)

LPG, OIL PRICE HIKE JUSTIFIED — SEC. PETILLA

INIHAYAG ng pamunuan ng Department of Energy (DoE) na “justified” ang malakihang pagtaas ng presyo ng LPG ng ilang kompanya ng langis.

Ayon kay Energy Sec. Jericho Petilla, tugma sa kanilang computation ang LPG price hike ngunit may ilang kompanya na sumubra ngunit walang sanctions na maipapataw rito ang gobyerno dahil sa Oil Deregulation Law.

Hanggang paghiling lamang o pagpapaliwanag ang kanilang magagawa sa oil firms.

Inamin din niya na mayroon silang sariling computations ngunit hindi maaaring ilabas.

Aniya, kung isapubliko nila ang kanilang computations ay baka pa lalong magtaas ng presyo ang oil companies.

Magugunitang tumaas ng hanggang sa P14.30 bawat kilogram ang presyo ng LPG kaya umabot na sa P900 ang presyo ng isang 11-kilogram tangke ng LPG.

Ayon sa kalihim, kung tutuusin, hindi ito ang pinamakamataas na presyo ng LPG.

Ang pinakamahal aniya na presyo ng LPG ay noong Marso, 2012 sa halos  umabot sa P1,000 ngunit bumaba rin ito.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *