Monday , December 23 2024

Bagong batayan ang kailangan para sa bayan (Ikalawang bahagi)

ANG pyudalismo rin ang dahilan kung bakit napakababaw

ng balon na pinagkukunan natin ng

mga lider. Nasa isang sitwasyon tayo na wala

talaga tayong mapagpipilian sa mga kandidato.

Halos lahat ay pul-politiko kahit sila ay mula sa

nakaupong Liberal Party (LP) o United Opposition

(UNO). Pare-parehong walang kwenta at

tanging pangalan na lamang ang ipinag-iba-iba

nila. Sila ay peste na iba-iba ang antas ng takaw

sa yaman at kapangyarihan.

Ultimong ang mga grupong sa dulong kaliwa

ng ispektrum ay nababaog sa ganitong kalagayan.

Sila ay nakulong sa panahon. Gusto nila na

magkaroon ng pagbabago pero hindi nila magawang

kumilos para rito dahil sa pagsamba

nila sa kaisipang Marxismo, Leninnismo at kaisipang

Maozedong (MLMTT). Ang kanilang pagsusuri

sa pambansang kalagayan at linyang

politikal na dala-dala ay angkop noong 1960 at

1970 pero hindi na ngayon. Dahil dito, ang kanilang

mga panukalang solusyon ay maaaring

higit na mas masahol pa sa kabulukan ng ating

lipunan ngayon.

Itong umano ay sulong na organisasyon, lalo

na ‘yung nasa ilalim ng Communist Party of the

Philippines, katulad ng mga Amerikano, ay walang

pakundangan sa ating kultura at lipi. Ang

ibig rin nila para sa atin ay isang dayuhang siste.

Niyakap nila nang walang pagsasaalang-alang

sa ating kultura at takbo ng pag-iisip ang MLMTT.

Ang kabiguan nila na maipagtagumpay ang kanilang

adhikain sa kabila ng mahigit na apat na

dekadang pakikibaka ay sobra-sobrang patunay

na may mali sa dala-dala nilang linyang politikal.

Ang dayuhang siste, katulad ng wika, ay

nakaugat sa partikular na kalagayan ng isang bayan. May sarili itong lohika na bunga ng karanasan

ng mga taong nakapaloob dito. Mali ang

pag-asa ng pamahalaan na maayos ang suliraning

panlipunan sa pagyakap sa ideolohiyang

Seguridad ng Pambansang Estado (NSS) samantala

hindi magkakatotoo ang tagumpay ng

kilusang komunista hangga’t bulag nilang sinasamba

ang MLMTT.

Ang ating Kasaysayan ay hitik sa halimbawa

ng kabiguan ng mga ideolohiyang NSS at

MLMTT na tumugon sa pangangailangan ng bayan.

Parehong kailangan baguhan ng pamahalaan

at kilusang komunista ang kanilang salalayang

prinsipyo para manatiling mahalaga o may

silbi sa kasalukuyang panahon, ito ang dahilan

kaya kailangan natin ng mga bagong balangkas

pang ekonomiya at politika.

Ang mga kasulatan nina Andres Bonifacio,

Marcelo H. Del Pilar at Dr. Jose P. Rizal ay maaaring

gamitin bilang panimula sa pagtatayo ng mga

balangkas na ito. Ang lilikhain modelo mula sa

kanilang iniwang aral ay likas na makatao, maka-

Diyos at maka-Pilipino. Mula rito ay makaaasa

tao ng isang bansa at pamahalaan na tunay na

mapagkalinga at hindi impersonal tulad ng NSS o

materyalista tulad ng ideolohiyang dala-dala ng

kilusang komunista.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong

hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort,

Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada,

Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito

sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang

banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa

[email protected] para sa karagdagang

impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *