Monday , December 23 2024

3 Kano, Indian nat’l, tiklo sa health card fraud

Arestado ang tatlong Kano, Indian national at 69 Pinoy, matapos salakayin ng  PNP Anti-Cyber Crime Group ang kanilang kompanya dahil sa health card fraud sa Mandaluyong City.

Nakompiska sa pag-iingat ng mga suspek ang mga  computer servers, telephones, computers, routers, laptops, VOIP jones, printer, LCD monitors at bulto-bultong dokumento.

Ang pagsalakay sa Pantheon Concepts HLK Company, nasa Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard, ay sa bisa ng search warrant na inilabas ni Hon. Judge Lyliha Bella-Aquino ng Manila Regional Trial Court Branch 24.

Kinilala ang tatlong Kano na sina Herber Kimble, Sergio Cevile, at  Wasil Ahmed, habang ang Indian  ay si  Sham Negi.

Ayon sa pulisya, dating empleyado ng kompanya na nagsampa ng kasong illegal dismissal sa National Labor Commission (NLRC) ang nagsumbong sa kanilang tanggapan kaugnay sa ilegal na operasyon ng nasabing kompanya.

Matapos  makompirma ang sumbong, kaagad  nag-aaply ng SW ang pulisya na agad  ikina-aresto ng mga suspek.

Ang modus operandi ng mga suspek ay nagpapanggap na mayroon silang basbas mula sa US government para  mag- operate at magbenta ng mga health cards.

Kamakailan, nagbabala ang US Inspector General, Department of Health and Human Services sa  Washington, DC, sa ginagawang panloloko gamit ang mga health cards sa sakit na diabetes.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *