Friday , November 22 2024

PAGCOR CCTV technician, parak, 1 pa itinumba sa Pasay (Wala pang 24-oras)

WALA pa halos 24-oras, tatlo ang halos magkakasunod na itinumba sa Pasay City na kinabibilangan ng isang PAGCOR CCTV technician, isang pulis, at isang pasahero ng jeep.

Patay ang empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nang barilin sa ulo ng mga hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital, dakong 9:30 ng gabi ang biktimang si Johannes de Asis, 43, CCTV technician sa PAGCOR Manila Pavilion Hotel, ng 1316 Mataas na Lupa Street, Malate, Maynila.

Sa ulat ng Pasay police, naganap ang pananambang dakong 6:30 ng gabi sa panulukan ng Seaside at J.W. Diokno Blvd.     Sakay ang biktima ng kanyang puting Honda Civic  (UFD-826) nang tambangan ng mga ‘di nakilalang suspek.

Inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang kung may kinalaman sa trabaho ni De Asis sa casino.

Samantala,  napatay naman ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang barilin ng hinihinalang tulak ng droga, habang nagro-ronda sa kanyang nasasakupan, kahapon ng madaling araw.

Isinugod ng kanyang mga kasamahan sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si SPO1 Jesus Tizon, 40, ng Police Community Precinct (PCP-7), residente ng Blk 7, Lot 9, Phase 1 Dorado St., Felizana Estate Subdivision, Imus, Cavite, pero binawian ng buhay sa nabanggit ospital sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Genomar Geraldino ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), dakong 1:49 ng madaling araw, nagpapatrolya ang mga tauhan ng PCP-7 sa Apelo Cruz St.,  napahiwalay sa grupo ang biktima.

Ani PO1 Esmael Gadia, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad silang nagtungo sa pinagmulan ng putok at nakita nilang duguang nakahandusay si Tizon.

Sa follow-up operation nina Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng SIDMS, natunton nila ang bahay ng suspek na si Danilo Dela Paz, Jr., alyas Punggoy, sa Apelo Cruz St., pero nakatalon umano sa bintana ang suspek at nakatakas.

Narekober ng pulisya sa bahay ng suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, isang kalibre .45 baril, iba’t ibang uri ng bala ng baril at IDs.

Sa isa pang insidente, patay rin ang 44-anyos na lalaki makaraan barilin nang tatlong ulit sa ulo at mukha ng hindi pa nakikilalang suspek habang sakay  sa pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Allan Carrasco, alyas Kulit, may tama ng tatlong bala ng baril sa ulo at mukha, naninirahan sa 14-B Figuerroa Street, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Suquina ng Investigation and Detective Management Section (IDMS), dakong 10:45 ng gabi sumakay ang biktima sa pampasaherong jeep na minamaneho ni Anaceto Rellama, 37, sa panulukan ng F.B Harrison at Libertad patungong Evangelista.

Sa ulat, sakay ng motorsiklo ang suspek, nasa edad 35, nakaitim na jacket at walang helmet, ang humarang sa jeep at agad  pinaputukan sa mukha ang biktima.

Nang magtalunan palabas ng jeep ang iba pang pasahero, dalawang ulit pang pinaputukan ng suspek ang nakabulagtang biktima sa ulo bago tumakas sakay ng motorsiklo.      (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *