Sunday , December 22 2024

‘No-nonsense’ si Ping — PNoy (Kaya pinili bilang rehab czar)

IPINALIWANAG mismo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kung bakit si dating Sen. Ping Lacson ang pinili niyang italaga bilang rehabilitation czar.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa taunang Christmas party ng media group, pangunahin sa kwalipikasyon ang pagiging no-nonsense o seryoso sa trabaho.

Ayon sa Pangulong Aquino, tiyak siyang magkakaroon ng resulta at makakamit ang nakasaad sa master plan sa pamumuno ni Lacson.

Aasahan din aniya kay Lacson ang patas na pagkakagastos ng pondo lalo ang mga foreign aid.

“Siguro, Ping Lacson strikes me as a no-nonsense person,” ani PNoy.

(ROSE NOVENARIO)

TACLOBAN REHAB PLAN ISUSUMITE KAY LACSON

TACLOBAN CITY – Inihahanda na ng lokal na pamahalaan sa mga lalawigan na apektado ng super typhoon Yolanda sa Region 8, ang rehabilitation plan para sa agarang pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng delubyo.

Ayon kay Leyte Vice Gov. Carlo Loreto, isinasapinal na lamang ng lokal na pamahalaan ang kanilang konkretong plano para sa pagbangon ng nasirang mga ari-arian lalo na sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Kaugnay nito, umaasa ang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Leyte maging sa Eastern Samar, Western Samar at Biliran province na sana’y agad na masimulan ni rehabilitation chief at dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang plano para sa agarang pagbabalik sa normal ng sitwasyon sa mga naapektuhan ng delubyo.

Sinabi naman ni Tacloban City Vice Mayor Jerry Yaokasin, sana ay matutukan ni Lacson ang lungsod lalo na ang hanapbuhay ng daang libong katao na apektado at maging ang pagpatayo ng nasirang mga gusali lalo na sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay Yaokasin, may una na ring inihahandang rehabilitation plan ang lungsod para sa agarang recovery ng na-washout na mga barangay.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *