Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dumukot sa 3-buwan sanggol ginang kinasuhan

KASONG kidnapping ang kinakaharap ng isang ginang na itinuturong dumukot sa 3-buwan gulang na sanggol na babae sa Marikina City.

Kinilala ni P/Supt. Manuel Cruz, deputy chief of police ang suspek na si Janeth Celmar y Ruba, alyas “Lotlot,” nasa hustong gulang, ng #31 Daisy St., Brgy. Malanday.

Ayon sa inang si Razil Baloro, 28, dinukot ng suspek ang kanyang anak na si Baby Sophia, nitong Nobyembre 30, dakong 4:00 ng madaling araw.

Ani SP01 Gemma Mirabueno, nagulat ang ina nang paggising ay wala na si Baby Sophia.

Bago nawala ang bata, sinabihan si Baloro ng suspek na makikitulog siya at gusto’y makatabi ang anak ng biktima.

Hindi pumayag si Baloro at pinauwi ang suspek. Bago nangyari ang pagdukot, nakita pa niyang paikot-ikot ang suspek at mga kasama sa labas ng kanilang bahay dakong 1:00 ng madaling araw.

Agad sinampahan ng kasong kidnapping sa Marikina Regional Trial Court ang suspek, habang isinasagawa ang hot pursuit sa ikadarakip ng  suspek.              (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …