Monday , December 23 2024

Bagong batayan ang kailangan para sa bayan (Unang bahagi)

ANG patuloy na pagkabigo ng kasalukuyang administrasyong Aquino na ayusin ang mga suliraning panlipunan lalo na ang napakalaking agwat sa kabuhayan ng laksa-laksa nating kababayan na naghihikahos at ng 76 na nuno ng yamang pamilya na may kontrol  ng ating ekonomiya ay sintomas ng kabiguan ng kasalukuyang neo-liberal na ideolohiya ng pamahalaan. Ito rin ay tanda ng pangangailangan para sa bagong balangkas pampolitika at ekonomiya para sa sambayanan.

Ang mga institusyon ay itinayo ng tao para paglingkuran ang sambayanan at hindi ang kabaligtaran. Ang taong bayan ay dapat na pinagsisilbihan ng mga institusyon na kanilang itinayo. Ang kabiguan na paglingkuran ang bayan ay matibay na batayan para ireporma o gibain ang mga ito upang makapagtayo ng mga balangkas na mas magiging angkop sa paglilingkod.

Tayo ay sinasabing isang malayang bansa pero hindi tayo nagkaroon ng malayang pagkakataon na itayo ang mga institusyon politikal at pang-ekonomiya na maglilingkod sa atin.

Ang Malolos Republic ay itinayo sa lilim ng proteksyon ng Estados Unidos samantala ang 1935 Constitution ay inaprubahan muna ng pamahalaang Amerikano bago natin nagamit. Ang administrasyong Laurel (1943-1945) ay hawak ng mga Hapones samantala ang 1973 Constitution ay kwestyonable ang pagkakaapruba bukod pa sa ito ay pinagbotohan umano habang mahigpit na binabantayan ng militar ni Ferdinand Marcos.

Ang 1986 Constitution ni Ginang Aquino naman ay nagbalik lamang sa mga panginoong maylupa at oligarkiya. Ito rin ay “improved version” lamang ng 1935 Constitution.  Mula 1898 hanggang ngayon ay umikot lamang tayo.

Walang pakundangan sa ating kultura at daloy ng pag-iisip na dinala rito sa atin ng mga Amerikano ang kanilang demokratikong siste. Gayon man sa pagnanais nila na magkaroon ng mga puppet na mamumuno sa poder ay hindi nila giniba ang sistemang pyudal na iniwan sa atin ng mga Espanyol. Lalo lamang nilang pinagyaman ang mga dinastiya ng ilang piling pamilya. Ang kalagayang ito ay nagdulot sa atin ng pang-matagalang katampalasan sa aspetong panlipunan, politika at ekonomiya. Ito rin ang dahilan kung bakit malaganap ngayon ang kultura ng kawalang pananagutan o culture of impunity.

Kinopya natin ang sistema ng pamamahala ng mga Amerikano ngunit kakatwang naririto at buhay na buhay pa rin ang kaayusang pyudal na anti-thesis ng sistemang dala ng mga Amerikano. Dahil dito ay nanatili ang control ng iilang pamilya sa ating ekonomiya, politika, at sosyo-kultura. Patuloy na itinuturing na maliliit na kaharian ng mga pamilyang ito ang kanilang mga nasasakupang bayan. Ito ang ugat kung bakit sa kabila ng pagiging modern ng ating siste ay nananatili ang paurong at mala-mafioso ang pamamalakad na mas kilala sa tawag na patronage politics.  (Itutuloy)

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *