NAKATUTOK ang gobyerno sa bansang Thailand sa gitna nang nangyayaring political unrest sa naturang rehiyon.
Tiniyak ng Malacañang na mayroong nakahandang contingency plan ang pamahalaan sakaling lumala ang sitwasyon.
Ngunit sa ngayon, sinabi ni Presidential Communications Operation Office Sec. Sonny Coloma, walang dapat ikabahala ang mga Filipino na nakabase roon at kanilang mga pamilya rito sa Filipinas. Ayon sa kalihim, ipinauubaya na rin ng Palasyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang hakbang kung kailangang magtaas ng alert level.
“So far naman po ay wala pang mga naiuulat na dahilan para tayo ay mabahala,” ayon sa kalihim.
Kamakalawa, muling sumiklab ang tensyon matapos tangkain ng anti-government forces na pasukin ang Government House sa layuning mapatalsik si Prime Minister Yingluck Shinawatra.