ILANG araw bago pumanaw sa aksidente si Paul Walker nitong Sabado, nakapagbigay pa siya ng mensahe sa mga biktima ng bagyong Yolanda (Haiyan) sa Filipinas sa pamamagitan ng isang video na kumakalat ngayon sa social media.
“We’re happy to be making another ‘Fast and Furious,’ but there are times we really, you know, you gotta check yourself. I mean, What’s going out there? People without homes, people without food, people without water. It’s a heavy heavy time,” aniya sa nasabing video.
“So right now for us, it’s really a race for relief. So basically we are reaching out to the fans, we love Manila, we were there last year, they received us with open arms, we love the Philippines,” dagdag pa ng aktor.
Namatay si Paul sa isang vehicular accident nitong Sabado (Linggo sa Filipinas) habang patungo siya sa isang charity event ng Reach Out Worldwide, ang kanyang foundation, na idinaos sa Los Angeles, California, para sa mga biktima ng Yolanda. Kasamang namatay ni Paul ang isa niyang kaibigan.