Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nangulila kay mister misis tigok sa silver cleaner

HINIHINALANG nangulila kay mister ang dahilan kung bakit nag-suicide ang 42-anyos na ginang sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner kamakalawa ng madaling araw sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital si Shiela Alipungan, ng  562 M. Dela Cruz St.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Investigation and Detective Management Section,  dakong 9:00 p.m. nitong Sabado, bago ang pagpapatiwakal,  may inuman sa  kanilang bahay ang kapatid ng biktima na si Jennilyn Alvarez, 33, kasama ang mga barkadang sina Sonny Boy Foring, 33, at Dennes Españo, 23.

Umupo pa umano sa grupo ang biktima, hindi upang makipag-inuman kundi nagpakuha ng larawan, kasama ang kapatid at barkada. Nang matapos ang inuman dakong 2:30 ng madaling araw, pumasok sa kanilang silid si Jennilyn at nagulat siya nang makita ang kapatid na nakabulagta at walang malay, hawak  ang isang bote ng silver cleaner.

Ayon kay Jennilyn, matagal nang planong magpatiwakal ng kanyang kapatid mula nang iwanan ng asawang si Gelo Alipungan na nanirahan na sa Roxas City, tatlong taon na ang nakararaan.  Walang makita ang pulisya na palatandaan na may naganap na karahasan sa pagkamatay ng biktima at wala rin bakas ng sugat o pasa sa katawan ang bangkay.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …