SA hangaring magamit ng mga biktima ng kalamidad ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas na ideneklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional, sinuspinde kahapon ng mga mambabatas sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Bicameral Conference Committee hearing para sa 2014 national budget. Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Senator Francis Chiz Escudero, ang dapat sanang bicam kahapon ay sinuspinde at gagawin na lamang sa Disyembre 9, 2013.
Ani Escudero, nagkasundo ang Kamara at ang Senado na ipagpaliban ang bicam dahil sa hinihintay pa nila mula sa mga ahensya ng pamahalaan ang substantial damage report ng pinsala ng bagyong Yolanda.
Sinabi rin ng senador, nais din na pagtuunan ngayon linggo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kanilang pagdinig sa supplemental budget upang agarang mailusot at matalakay na sa Bicam.
(CYNTHIA MARTIN)