PORMAL nang naupo kahapon si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas bilang bagong pangulo ng maimpluwensyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Sa ginanap na plenary assembly ng CBCP sa Pius XII Center noong Hulyo, hinirang si Villegas bilang kahalili ni Cebu Archbishop Jose Palma, matapos tumanggi ang huli na i-re-elect.
Ang arsobispo ng Lingayen-Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan ay nagsilbi noon bilang personal secretary ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin at rector o tagapamahala ng EDSA Shrine at Vicar general ng archdiocese.
Taong 1985 nang maordinahan siya bilang ganap na pari at noong Hulyo 25, 2011 nang mahirang bilang Auxiliary Bishop ng Maynila ni dating Pope John Paul II.
(BETH JULIAN)