Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga ‘fallen Angel’ sa Pinoy Gov’t

Hindi natin namamalas pero unti un-ting dumarami ang mga “fallen Angel” sa bakuran ni Pinoy habang nalalapit ang 2016 na magpapalit na naman tayo ng mga panguluhan. Presidential election sa madaling sabi.

Itong isyu ng ‘fallen angel’ o iyong mga dating dikit kay P-noy ay biglang nahulog sa kanyang administration. At hindi basta mga tapat na KKK (kabarilan, kaklase at karanchong tunay).

Ito ay sina dating Muntinlupa Prison director, Ernesto Diokno na talaga naman reluctant appointee (kaya lang hindi matanggihan), nag-resign ang sumunod sa kanya na si Maj. Gen. Pa-ngilinan, kabayan, retiradong AFP, resigned, si dating LTO head Virginia Torres na tinaguriang “casino queen,” resigned, si PDEA head noon na si AFP Brig. General Gutierrez, resigned.

At ang pinakamalapit daw na BFF (best friend forever) na si dating DILG Undersecretary (not the singer) Rico Puno, resigned. Isa pa si BID Chiz Davide.

Hindi na nila hinintay na sibakin pa sila. Tutal nga naman, there’s life after the Pnoy administration. Delicadeza ba o pressure sa publiko?

Kumusta naman kaya si Customs Commissioner Ruffy Biazon na umiinit nang husto sa kanyang upuan sa Bureau dahil sa tila tumitin-ding away nila ni Finance Secretary na may kinalaman sa major reform program na gustong ipatupad ng Malacañang sa magulong ahensya. Minsan na raw nagtangkang iwanan ni Biazon ang Bureau sa pamamagitan ng resignation via text. Hindi pumayag si Pnoy. Papayag kaya nga-yon si Pnoy kung muling magpaalam sa kanya si Biazon? Sa totoo lang matindi ang tama ni Bia-zon dahil iyong graft complaint na isinampa sa kanya at may 32 pang iba ay may kinalaman daw sa bribery na nagkakahalaga ng P1.9 millon. Sobrang liit at isa pa sisilipin daw muli ni Biazon ang kanyang PDAF na mahigit P4 milyon na tinanggap niya between 2007-2009, sa isa sa mga respondent, si dating Pampanga Kongresista Zenaida Ducut na ngayon ay nasa Ener-gy Regularity board. Tila walang relation politika ang dalawa. Si Ducut sanggang dikit ni GMA hindi ni Biazon.

Si Biazon ay balitang-balita na close kay P-noy bukod sa pagiging member niya ng Liberal Party. May tsismis din na sa Biazon’s case whatever it may be is treated as a party matter. Ang LP president (on leave) ay presidential timber Mar Roxas.

Andiyan din ang tsismis na si Secretary Purisima ay sasabak na raw sa 2016 presidential elections, maaaring hindi sa LP dahil nandoon si Roxas na tila si Biazon ang kanyang sekyu sa customs. Politika, politika, politika pa rin. Dito na dapat pumasok si Pnoy. Pero kaila-ngan daw mag-usap siya at si Biazon. Magbago kaya si Pnoy ng kanyang position ukol kay Biazon. Kung sakali mang totoong planong-pla-no na ni Purisima na tumakbo sa pagka-president, ano naman ang magiging advice niya kay Pnoy?

Go or no go ba para kay Biazon?

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …