KUNG fountain ang gagamitin bilang feng shui cure, hindi kailangan na ito ay mukhang oriental. Sa katunayan, walang feng shui cures na dapat ay magmukhang oriental upang magdulot ng good feng shui energy, ito ay mainam kung tugma sa inyong home decorating style.
Ang fountain ay tanyag sa feng shui dahil ito ay nagdudulot ng enerhiya ng tubig, at ang tubig ay sinaunang feng shui symbol ng yaman at paglago.
Ang isa pang good feng shui reason sa paggamit ng fountain sa loob ng bahay ay ang katotohanan na ang working fountain ay naglalabas ng healthy negative ions sa hangin. Maraming indoor environments ang salat sa popular feng shui product na ito.
Ang best feng shui areas para sa feng shui fountain ay sa East (Health and Family), Southeast (Prosperity and Abundance), at North (Career and Path in Life).
Ang lokasyon sa feng shui fountain ay madedetermina sa pamamagitan ng Bagua, o feng shui energy map, gayundin sa interplay ng limang feng shui elements.
Hindi ipinapayo ang paglalagay ng water feature/feng shui fountain sa South area, dahil sa feng shui, ang South ay konektado sa inyong Fame and Reputation, at ang enerhiya nito ay Fire. Kung maglalagay ng Water feng shui element (fountain) sa Fire element feng shui area (South), mabubuo ang bad feng shui/conflicting energy, dahil aapulain ng Water ang Fire.
Itinuturing na bad feng shui na magkaroon ng water feature sa bedroom, alin man sa feng shui area ng inyong bahay naroroon ang bedroom. Ang water feng shui element ay nagdudulot ng energy of worry sa bedroom, kaya hindi inirerekomenda ang fountain sa bed room.
Lady Choi