Friday , November 15 2024

COA auditing group-A (Manila) , anyare?!

Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the Lord is to be praised. —Proverbs 31:30

DAPAT isama na rin ng Department of Justice (DOJ) sa may 12Auditors ng Commission on Audit (COA) na kanilang sinampahan ng kaso sa tanggapan ng Ombudsman angSupervising Auditor Group A ng COA na humahawak naman sa Audit Report ng multi-million ghost employees scam sa Lungsod ng Maynila.

Nilulumot na kasi ang naturang Audit Report sa tanggapan pa lamang ng Supervising Auditor Group A sa kabila na mayroon nang1st endorsement mula mismo kay COA Commissioner Heidi Mendoza, para aksyunan ang kaso.

***

MULI naman itong kinalampag ni COA-National Capital Region officer in charge Carmelita Antasuda, Director III sa kanyang 2ndendorsement na may petsang Agosto 28, 2013 at hiniling na ipagbigay alam sa requesting party na si Atty. Rey Bagatsing,bantog na anti-graft crusader ang tunay na status o kalagayan ng kaso patungkol sa multi-million ghost employees scam sa Maynila.

Subalit, mula noon ay walang iniiulat na status report ang Supervising Auditor Group A (Manila).

Anyaree?!!

***

SA sulat na ipinadala ni Atty. Rey Bagatsing sa Supervising Auditor Group A aniya, nababahala siya sa usad pagong na paglabas ng Audit Report na posibleng may “irregularities” at “conspiracy” nagaganap sa loob ng COA.

“This glaring nonchalance and indifference is a violation not only of R.A. 6713 but the Red Taper Law as well. Your silence on this matter also sends the signal that you covering up for the irregularities raised in the above cited Audit Memo.,” sipi ng liham ni Atty. Bagatsing.

***

DAHIL dito inakusahan ni Atty. Bagatsing ang Supervising Auditor Group A nang pakikipagsabwatan sa mga “respondents,”

“In this regard, your are giving the undersigned with no other option but to charge you for conspiracy in committing plunder and other criminal acts mentioned in such Audit Observation Memo No. 2013-100-15 (2012), “ saad pa sa liham.

***

MATINDI ang mga banat na ito ni Atty. Bagatsing laban saSupervising Auditor Group A (Manila). Kilala naman ng lahat na palabang abogado si Atty. Bagatsing, walang inuurungan, walang inaatrasan.

Lumalabas kasi na sa Audit Observation Memorandum No. 2013-100-15 (2012) ay may nakitang “due course” upang maisulong ang kaso at mapatawan ng preventive suspension order ang mga sangkot dito.

***

AYAW natin pangunahan ang usapin ito, pero malinaw ang hindi paglabas ng Audit report, mula nang isampa ito noon pang 2012.

Dapat makialam nang husto dito si COA Commissioner Mendoza, dahil tila nakikipagsabwatran ang kanyang mga tauhan sa mga akusado.

***

MALAKING kasiraan ito sa komisyon kapag nagkataon, isipin na lamang na kredibilidad ng COA ang nakataya dito.

Mabibigat ang bintang ni Atty. Bagatsing na conspiracy laban sa Supervising Auditor Group A.. Nakipagsabwatan ba ang mga ito?.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata!

TIANGGE SAGABAL SA DAAN

SA BONI SHRINE, GIBAIN!

BALAK na daw palang ipagiba ng Pangulong Erap ang mga red tent na pinaglalagay ng grupo ni Rod de Jesus, organizer ngtiangge sa sagradong shrine ni Gat Andres Bonifacio.

Napuna na rin niya siguro ang pagsulpot ng sangkaterbang vendors sa paligid na umabot pa hanggang kabilang bangketa lalo na sa ilalim ng LRT.

***

PINA-OKUPAHAN ito ng isang George Bakla na kawani ng City Personnel Office kaya ang resulta nangingitngit sa galit ang mga pedestriana lalo na ang mga senior citizens dahil wala na silang malakaran.

Sa kalsada na dumaraan ang mga pedestrians imbes na sa bangketa, kaya posibleng madisgrasya sa mga humahagibis na sasakyan sa Arroceros.

***

BUTI naman at napansin ito ng Pangulong Erap. Masyado kasing inabuso ng organizer ang ibinigay sa kanilang “prebilihiyo” ng city hall.

Sa pag-aksyon nila sa ating panawagang alisin ang ferries wheel at iba pang tsubibo sa shrine ay sana naman ay ganoon din ang maging hakbangin ng Pangulong Erap sa patuloy na pagsulpot na parang kabute ng mga dayong vendors mula sa Baclaran.

Hindi pa man, salamat po!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *