AKALA ng isang palaka na nasa loob ng balon, sinlaki lang ng bunganga nito ang kalangitan. Kaya nang nakaahon siya sa balon, muntik pa siyang mahulog ulit sa loob nito sa pagkagulat at realisasyon na napakalawak pala ng kalangitan.
Ganito ko tinitingnan ang online petition ni tour guide Carlos Celdran at ngayon ay tourism consultant ni Mayor Erap, laban sa itatayong Torre de Manila condominium sa Taft Ave., Ermita, Maynila.
Ayon kay Mr. Celdran, ang “sacred sightline” ng monument ng national hero ay dapat na ipreserba.
Noong isang taon pa raw inumpisahan ni Mr. Celdran ang kanyang kampanya dahil sisirain umano nito ang view ng Rizal Monument at ang view ng Luneta Park.
Gusto natin ‘yan. Gusto natin ang mga kaisipan at damdaming nasyonalista …
Pero sana TOTOO at sana consistent lang!
Ang Manila Hotel ba ay nakasisira sa “sacred sightline” ng Rizal Monument?
Napapanatili ba ng mga itinayong sari-sari store na mukhang barong-barong ang dignidad at dangal ng Monumento ni Rizal at ng kabuuan ng Luneta Park?
Kaiga-igaya bang tingnan na nasa loob mismo ng Luneta Park ang mga tinda-tindahan na ‘yan?
Ang “sacred sightline” ba ng Rizal Monument ay kapag nakatanaw ka sa direksiyon patungong Taft Ave.? E ‘yung kapag nakatanaw sa Roxas Blvd?
Sa gawi ng P. Burgos at sa gawi ng T.M. Kalaw?
Ilang katanungan lang po ‘yan, Mr. Celdran.
And last but not the least, bakit noong tinayuan ng PERYAHAN ang LUNETA, hindi ka kumibo?
Noong tayuan ng PERYAHAN at TIANGGEHAN ang Bonifacio Shrine sa Mehan Garden at sa Rajah Sulayman, umepal at nagsalita ka ba?
Ngayong nagmumukhang palengke dahil sa tianggehan kuno at namamanghi na ang Bonifacio Shrine, magpapa-online petition ka rin ba para tanggalin na ang tianggehan d’yan?!
Remember Mr. Celdran, CONSISTENCY and HONESTY is the best policy.
Time to scrutinize your conscience now!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com