HINDI naman natin tinatawaran ang kredebilidad ng mga television network at iba pang organization sa ginagawa nilang FUND RAISING ACTIVITIES para sa mga biktima ng super bagyong YOLANDA.
Ilang kalamidad na rin naman kasi ang nagdaan pero ang iba’t ibang TV network ay patuloy sa kanilang mga fund raising activities.
By the way, pwede rin po bang malaman kung saan n’yo ginamit ang mga na-solicit n’yong pera sa mga nakaraang kalamidad?
Ipinapakita nila sa TV kung paano nila ipinamamahagi pero bukod sa in kind na kanilang natatanggap at ipinamimigay, nakapag-ulat din ba sila kung saan naman napunta ang milyon-milyong CASH?!
Kung napakahigpit natin mag-demand sa gobyerno (pero marami pa rin ang nakalulusot), dapat ganoon din sa mga private organization.
Tingin natin, mas dapat na maging TRANSPARENT ang TV networks dahil private organization sila.
Dapat maipakita nila sa isang sistematikong paraan ang kanilang accountability sa mga sumuporta sa kanilang proyekto at sa mga taong sinabi nilang patutunguhan ng mga nakalap nilang tulong.
Sa pinakahuling ulat ng ABS CBN, nakapangilak na sila ng halos P300 milyones para sa mga biktima ng YOLANDA.
Sana lang ay maipakita nila sa publiko ang patutunguhan n’yan.
Magpapatayo ba sila ng cluster houses?
O regular housing program, mga eskwelahan o iba pang makatutulong sa rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga komunidad na biktima ni Yolanda?
Wish natin na sana ay mapunta ‘yan sa mas kapaki-pakinabang na proyekto para sa mga biktima ni Yolanda.
Good luck.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com