Monday , December 23 2024

Yolanda fund raising ng TV networks may transparency ba?

00 Bulabugin JSY

HINDI naman natin tinatawaran ang kredebilidad ng mga television network at iba pang organization sa ginagawa nilang FUND RAISING ACTIVITIES para sa mga biktima ng super bagyong YOLANDA.

Ilang kalamidad na rin naman kasi ang nagdaan pero ang iba’t ibang TV network ay patuloy sa kanilang mga fund raising activities.

By the way, pwede rin po bang malaman kung saan n’yo ginamit ang mga na-solicit n’yong pera sa mga nakaraang kalamidad?

Ipinapakita nila sa TV kung paano nila ipinamamahagi pero bukod sa in kind na kanilang natatanggap at ipinamimigay, nakapag-ulat din ba sila kung saan naman napunta ang milyon-milyong CASH?!

Kung napakahigpit natin mag-demand sa gobyerno (pero marami pa rin ang nakalulusot), dapat ganoon din sa mga private organization.

Tingin natin, mas dapat na maging TRANSPARENT ang TV networks dahil private organization sila.

Dapat maipakita nila sa isang sistematikong paraan ang kanilang accountability sa mga sumuporta sa kanilang proyekto at sa mga taong sinabi nilang patutunguhan ng mga nakalap nilang tulong.

Sa pinakahuling ulat ng ABS CBN, nakapangilak na sila ng halos P300 milyones para sa mga biktima ng YOLANDA.

Sana lang ay maipakita nila sa publiko ang patutunguhan n’yan.

Magpapatayo ba sila ng cluster houses?

O regular housing program, mga eskwelahan o iba pang makatutulong sa rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga komunidad na biktima ni Yolanda?

Wish natin na sana ay mapunta ‘yan sa mas kapaki-pakinabang na proyekto para sa mga biktima ni Yolanda.

Good luck.

AWAN FI WI-FI SA AIRPORT

ANAK ng Tokwa!

Parang gusto ko nang maniwala na “Worst” if not “Bad” at pwede rin “Poor” airport in the world nga ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang sabi ng isang GI (Genuine Ilocano) passenger na bubulong-bulong na nagliligpit ng kanyang laptop:

“Okinawa Japan! Ano dayta ti airport, awan met ganas … AWAN FI Wi-Fi!”

The same feelings ang nararamdaman ng ilang travelers na netizen sa kanilang pagtungtong sa NAIA terminals dahil sa unavailability ng Wi-Fi service na dapat sana ‘e high-tech nang maituturing ang premier airport ngunit sad to say … ‘til now kanya-kanya pa rin bitbit ng broadband ang gamit nila.

At dahil sa konsumisyon ‘este’ isyung ito ay minabuti ng ilang Airport in-house reporters na mag-verify sa tanggapan ng General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ngunit ngitngit ni ‘Yolanda,’ ang tugon daw na nakuha ng mga kapatid natin sa hanapbuhay ay hindi nila umano ‘obligasyon’ ang ibigay ang pangangailangan sa internet ng airport employees much more of the riding public dahil WALA raw sa mandato nila ang pagkakabit ng Wi-Fi sa paliparan.

Excuse me po!

Kung totoo ang remarkable negative reaction ng GM office staff (but we don’t want to accused GM Honrado na nanggaling sa bibig niya ang remarks) ‘e hindi kataka-takang tuluyan nang makopo ng NAIA ang korona bilang century’s ‘WORST’ ang ating pobreng paliparan.

To think of, ultimo mga jeepney, buses, waiting shed, commercial vessels at iba pang means of transport ay Wi-Fi ready na at libre pa.

Sadly, sa NAIA ay mistulang kulelat na hippie naman sa global competition.

GM Bodet Honrado, marami ka naman bright boys d’yan sa MIAA, sila po ang pag-ayusin n’yo sa problemang ‘yan.

Sayang naman ang ipinasusweldo sa kanila ‘di po ba?

BI ‘S-PAY-CIAL’ este SPECIAL OPS  SA VISAYAS/MINDANAO

MAAGA raw yatang nagpakitang gilas ang mga Alien Control Officer sa Bacolod, Iloilo, Cagayan De Oro at Cebu City. Dahil matapos ang kanilang rigodon ay dali-dali silang nag-request na ipa-verify ang mga status ng existing foreigners sa kanilang nasasakupan.

Kaya to accommodate their request, isang ‘S-PAY-CIAL’ este Special team from the Bureau of Immigration (BI) Commissioner’s Office ang ipinadala kasama ang ilang legal officers to conduct special operations to check and verify the Immigration status ng mga foreigner doon particular ang mga Chinese, Indians and Koreans.

Ang balita ko, napakarami raw ang hinuling foreigners sa mga nabanggit na lugar at sabi ng ating impormante sa Visayas na nakakita, kulang daw ang isang C-130 military plane para isakay at dalhin at ikulong sila sa Manila.

Wowowee!!!

Pero natapos at natapos ang ‘s-pay-cial’ ‘este special operations ‘e naglaho nang parang bula ang hinuling foreigners. Matapos silang i-check at i-profile, napag-alaman na puro legal ang dokumento nila at wala raw palang Immigration violations!?

WTF!!!

Ang galing naman n’yo ha! Parang imposible naman yata ‘yang special operations n’yo, sabi ng inaanak kong si “Honesto!”

Ni isa wala man lang nakulong o nakasuhan sa mga hinuling Bombay at Intsik na ang dami o bilang ay kasyang isakay sa C-130!?

Hindi kaya magsilobo at lumaki rin ang ilong ng mga ACOs sa mga lugar na ‘yan gaya ng kay “Honesto” kapag siya ay nasisinungaling?!

Anong masasabi n’yo rito, ACO Madarang of BI-Bacolod and ACO Neri of Cebu?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *