ANAK ng Tokwa!
Parang gusto ko nang maniwala na “Worst” if not “Bad” at pwede rin “Poor” airport in the world nga ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang sabi ng isang GI (Genuine Ilocano) passenger na bubulong-bulong na nagliligpit ng kanyang laptop:
“Okinawa Japan! Ano dayta ti airport, awan met ganas … AWAN FI Wi-Fi!”
The same feelings ang nararamdaman ng ilang travelers na netizen sa kanilang pagtungtong sa NAIA terminals dahil sa unavailability ng Wi-Fi service na dapat sana ‘e high-tech nang maituturing ang premier airport ngunit sad to say … ‘til now kanya-kanya pa rin bitbit ng broadband ang gamit nila.
At dahil sa konsumisyon ‘este’ isyung ito ay minabuti ng ilang Airport in-house reporters na mag-verify sa tanggapan ng General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Ngunit ngitngit ni ‘Yolanda,’ ang tugon daw na nakuha ng mga kapatid natin sa hanapbuhay ay hindi nila umano ‘obligasyon’ ang ibigay ang pangangailangan sa internet ng airport employees much more of the riding public dahil WALA raw sa mandato nila ang pagkakabit ng Wi-Fi sa paliparan.
Excuse me po!
Kung totoo ang remarkable negative reaction ng GM office staff (but we don’t want to accused GM Honrado na nanggaling sa bibig niya ang remarks) ‘e hindi kataka-takang tuluyan nang makopo ng NAIA ang korona bilang century’s ‘WORST’ ang ating pobreng paliparan.
To think of, ultimo mga jeepney, buses, waiting shed, commercial vessels at iba pang means of transport ay Wi-Fi ready na at libre pa.
Sadly, sa NAIA ay mistulang kulelat na hippie naman sa global competition.
GM Bodet Honrado, marami ka naman bright boys d’yan sa MIAA, sila po ang pag-ayusin n’yo sa problemang ‘yan.
Sayang naman ang ipinasusweldo sa kanila ‘di po ba?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com