Thursday , December 19 2024

12 COA auditors, ex-solons kinasuhan sa ‘Pork’ scam’

113013_FRONT

INIHAIN na ng Department of Justice (DoJ) sa Office of the Ombudsman ang kasong malversation laban sa 12 auditor ng Commission on Audit (COA), mga dating congressman at ilan pang indibidwal kaugnay ng pork barrel scam.

Ang mga dating congressman na kinasuhan ay sina Bureau of Customs chief Rosanno Rufino “Ruffy” Biazon, da-ting kinatawan ng Muntinlupa City (P1.75 million), Douglas Cagas (P9.3 million) at Marc Douglas Cagas IV (P5.54) ng Davao del Sur), Arthur Pinggoy Jr. ng South Cotabato (P7.05 million), Salacnib Baterina mula sa Ilocos Sur (P7.5 million), Arel Olano ng Davao del Norte (P3.175 million), at  Rodolfo Valencia ng Oriental Mindoro (P2.4 million).

Ang dating mga mambabatas ay inakusahan ng paglipat ng kanilang pork barrel o Prio-rity Development Assistance Fund (PDAF) sa bogus na non-governmental organizations (NGOs) ng sinasabing mastermind na si Janet Lim Napoles kapalit ng malaking halaga ng kickbacks.

“These lawmakers used Napoles NGOs as conduits,” ani De Lima sa press conference bago pormal na ihain ng NBI ang kaso sa Office of the Ombudsman.

Samantala, umaabot sa 27 pang mga personalidad kasama ang 12 auditors at tatlong pinuno ng mga ahensya ang kabilang din sa mga pinakakasuhan.

Dedeterminahin naman ng Ombudsman kung may sapat na ebidensya laban sa mga nabanggit.

Paliwanag ni De Lima, kaya malversation ang ikakaso at hindi plunder dahil ang kinukwes-tyong halaga ay hindi aabot sa minimum amount na P50 million.

ni LEONARDO BASILIO

PALASYO TIKOM-BIBIG  SA KASO  VS BIAZON

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa pagkakasama ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa second batch ng kinasuhang mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pork barrel scam.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi muna maglalabas ng ano mang pahayag ang Malacañang hanggang hindi pa natatalakay ang usapin kay Pangulong Benigno Aquino III.

Paliwanag ni Valte, nasa pulong si Pangulong AQuino nang pumutok ang balita kahapon na si Biazon ay kabilang sa 34 opisyal ng gobyerno na sinampahan ng reklamo ng Department of Justice (DoJ) sa Ombudsman bilang mga sabit sa pork barrel scam kaya’t hindi niya nakuha ang reaksyon ng Punong Ehekutibo.

“So I understand that I will not be able to give you a comment, at the moment, but we will inform you at the soonest—as soon as we have been able to speak with the President,” ani Valte.

Ipinaalala niya ang naunang pahayag ng Pangulo na walang kinikilingan ang pagsusulong ng pamahalaan ng imbestigasyon sa pork barrel scam dahil ang ebidensya ang magdadala kung saan patungo at sino ang dapat papanagutin sa paglulustay sa kaban ng bayan.

(ROSE NOVENARIO)

KASO SA PDAF HAHARAPIN NI BIAZON

INIHAYAG ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na bahagi ng serbisyo sa lahat ng antas ng pamahalaan, mababa man o mataas, ang pagsusuma o accounting sa pondong pampubliko.

Ito ang reaksyon ni Biazon kaugnay sa inihaing kasong malversation laban sa kanya ng DoJ kaugnay sa pork barrel scam.

“Dahil dito, nakahanda akong harapin ang alegasyon na inihayag ngayon patungkol sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na inilaan sa aking distrito noong ako’y nanilbihan bilang Kinatawan ng Lone District ng Muntinlupa,” pahayag ni Biazon.

Inihayag pa ng opisyal na siya ay palaging tapat sa kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan, ngayon at noong siya ay Kongresista ng Muntinlupa sa pagsusulong ng mga programa at proyekto para sa kapakinabangan ng kanyang mga ka-distrito.

“Pero gaya ng nakita na natin, ang mga proseso ng pagbibigay-serbisyo sa publiko ay maaring maabuso ng ilang partido o grupo. Hindi ko pa nasusuri ang mga dokumento na may kinalaman sa usapin, pero tinatanggap ko ang oportunidad na bigyang-linaw at sagutin ang mga akusasyon sa harap man ng National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman o sa mga korte,” aniya pa.

(LEONARD BASILIO)

PORK BARREL SCAM PROBE TATAPUSIN NA NG SENADO

BALAK nang tapusin ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mga kongresista at mga senador.

Sinabi ni Blue Ribbon committee chairman Sen. TG Guingona, kung siya lang ang masusunod ay tatapusin na niya ang pagdinig.

Nakamit na rin naman aniya ng komite ang mga objective nito sa paglunsad ng imbestigasyon.

Ngunit hindi pa aniya ito pinal dahil kailangan pang konsultahin ang ilang miyembro ng komite.

Nabatid na pagkatapos ng pork barrel scam, balak naman imbestigahan ng Blue Ribbon ang Malampaya Fund scam.

Sa mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa PDAF scam, humarap na ang mga whistleblowers sa pangunguna ni Benhur Luy, maging ang itinuturong mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Tatlong senador na sina Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr. ay isinangkot sa P10 billion pork barrel scam at sinampahan na ng kasong plunder sa Ombudsman.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *