Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Project sales consultant timbog sa nakaw na relief goods

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang project sales consultant na sinasabing nagtangkang tumangay ng relief goods habang nagpapanggap na sundalo sa Villamor Air Base kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Si Dexter Basilio, 35, ng Phase 1, Block 1, Lot 9, Sunshine Homes, Brgy. De Castro GMA, Cavite, ay nakasuot pa ng uniporme ng sundalo dakong 1 p.m. nang arestuhin ni A1C Alvin Alpichi, miyembro ng Philippine Air Force (PAF), sa massage booth sa loob ng Villamor Air Base .

Ayon sa pahayag sa pulisya ng testigong si Sheryl Tanggana, 25, ng #1254-B Cruzada St., Quiapo, Maynila, at staff ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagpakilala sa kanya bilang sundalo si Basilio at humihingi ng mga diaper para sa mga inaasikaso niyang mga bata na mga anak ng evacuees.

Hindi niya binigyan ngunit nagpatulong na naman sa kanya ang suspek na buhatin ang relief goods sa massage booth na napag-alaman nagkakahalaga ng mahigit P1,000.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …