Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jumbo Plastic pinabagsak ang Wang’s

SUMANDAL ang Jumbo Plastic Linoleum sa matinding pagratsada sa huling yugto upang padapain ang Wang’s Basketball-Athletes in Action, 75-59, kahapon sa PBA D League Aspirants Cup sa Blue Eagle Gym sa Lungsod ng Quezon.

Nalimitahan ng Giants ang Couriers sa anim na puntos sa huling quarter upang makamit ang kanilang ika-limang panalo kontra sa isang talo.

Naunang nakuha ng Jumbo ang 37-32 na kalamangan sa halftime sa tulong ng 11-2 na ratsada sa ikalawang quarter bago humabol ang Wang’s sa 55-53 sa pagtatapos ng ikatlong quarter.

Isang tres ni Mark Romero at isang tira sa ilalim ni Jason Ballesteros ang nagpalayo sa Jumbo, 70-57, 1:27 ang nalalabi sa laro.

Nanguna sa opensa ng Jumbo sina Romero at Jan Colina na gumawa ng tig-14 puntos samantalang 12 puntos naman ang ginawa nina Karl dehesa at tig-11 puntos naman sina Elliot Tan at Jason Ballesteros.

Bumagsak ang Wang’s sa 2-4 katabla ang Boracay Rum sa gitna ng 20 puntos ni Michael Juico.

Tinalo ng Couriers ang Cagayan Valley, 76-74, noong Lunes.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …

AFC Womens Asian Cup 2026

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at …