Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi na dapat maniwala sa survey

Marami ang nagre-react kapag lumalabas na ang survey na gawa ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia.

Hindi kasi sila naniniwala na malakas pa rin sa tao ang mga lider ng kasalukuyang gobyerno maging kabahagi man ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatura.

Lagi na lang daw kasing napapansin nila na angat sa survey si PNoy at VP Binay gayong wala naman daw ginawa para masugpo ang korupsyon sa pamahalaan lalo’t lumilitaw sa huling kontrobersya na bahagi sila ng bulto-bultong pork barrel fund, DAP o PDAP man.

Si PNoy tinawag pa ngang “hari ng pork barrel” habang si Binay naman ay binansagang “epal king” dahil na rin umano sa pakikisawsaw sa lahat ng pwedeng pasukang isyu, kabilang na ‘yung relief operation ng bansa gayong malinaw daw na pera pa rin ng mamamayan ang gamit nito.

Sa pinakahuling survey ng SWS nitong Setyembre, lumabas na bumaba lang nang konti ang grado nina PNoy at Binay sa mamamayan ga-yong nakita naman ang galit ng tao sa pork barrel fund.

Ito kasing panahon ng Setyembre umigkas ang galit ng publiko sa PDAP kaya’t labis tayong nagtataka kung bakit ganito lamang ang resulta ng pagbaba.

Hindi kaya may hokus pokus na ang mga survey na ginagawa dahil hindi na ito ang tunay na sentimyento ng publiko.

Kung sa survey hinggil sa pagkagutom ng tao, malinaw na lumabas nitong November survey ng SWS na 50 percent ng populasyon ng bansa ang nagsasabing sila ay hirap na hirap sa buhay kaya’t dito pa lamang malinaw na mali ang naging repleksyon ng survey sa tunay na dinaranas ng tao.

‘Pag gutom ang mamamayan, tiyak na galit sa pamahalaan dahil kulang ang ayuda at tulong ng gobyerno para maibsan at maiangat ang kanilang pamumuhay.

Ito ang sina-sabi nating kalokohan sa mga survey at lalo pa na-tin itong makokompirma kapag lumabas ngayong late part ng Nobyembre at ngayon papara-ting na Disyembre na mataas pa rin ang approval rating ni PNoy sa tao.

Mga bagay na dapat na nating ikonsidera lalo pa’t palpak naman talaga ang na-ging pagtugon ng gobyerno sa sunod-sunod na kalamidad sa bansa at pinakamasakit nga nito ay nanisi pa ang gobyernong imbes agad tumugon sa pangangailangan.

Isa pa ang DAP decision ng Supreme Court na kaabang-abang dahil dito natin makikita kung ano  ang huling diskarte ng Malakanyang dahil malinaw na kapag nagnegatibo ang hatol sa mga mahistrado ay tiyak na mag-iiba ang takbo ng gobyerno.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …