ANG Chinese wealth ship ba ay good feng shui cure for money? Mainam ba ito sa modern school of feng shui o sa Chinese feng shui?
Ang paggamit ng feng shui cures ay hindi limitado sa specific feng shui school. Ang tanging criteria sa pagpili ng good feng shui cure ay ayon sa koneksyon mo rito.
Kapag may nakita kang magandang feng shui cure for money na ginagamit ng traditional Chinese feng shui practitioners, piliin mo ito, ano man ang feng shui school na iyong ginagamit sa bahay o opisina.
Ang wealth ship ay popular traditional feng shui money cure dahil, taliwas sa ibang Chinese feng shui money cures, katulad ng three legged toad o Chinese coins, ang wealth ship ay maganda sa ano mang espasyo at mainam kahit anong kasamang mga palamuti.
Maaaring gumamit ng ano mang modelo ng wooden boat para sa inyong wealth ship feng shui money cure, depende sa idinudulot na energy of abundance. Dahil ang feng shui cure ay symbolic representation ng yaman, walang istriktong panuntunan kundi ang iyong malakas na koneksyon dito at kung ano ang nararamdaman mo rito.
Ang simbolikong kahulugan ng wealth ship ay ang energy of abundance na darating sa iyo. Tradisyonal na kinakargahan ang wealth ship ng maraming popular feng shui wealth symbols, katulad ng golden ingots, Chinese coins, crystals, red envelopes na may laman na pera at iba pang cures.
Lady Choi