Friday , November 15 2024

Bulabog sa Customs, preparasyon sa 2016?

MARAMING CEBUANO ang nadesmaya sa ginagawang paghahabol ng BIR kay Pambansang Kamao at Saranggani Congressman Manny Pacquiao.

Anila, DI MAKATARUNGAN ang ginagawa ng administrasyong Aquino na kahit sinong personalidad na nasa oposisyon ay kanilang BINABATAN kahit na ba sabihin nilang dalawang taon na ang “tax case” na ito ni Pacman.

Para sa masang Cebuano, dapat pa ngang bigyan ng TAX BREAK, kundi man parangal, si Pacquiao kung ikonsidera ang MALAKING KARANGALAN na kanyang binibigay sa bansa sa larangan ng basagan ng mukha, este, boksing.

Marami ring Cebuano ang nagsasabi na kung hindi lang UNDER-AGE si Pacquio kung tatakbo ito sa pagka-presidente sa 2016 ay tiyak sana ang PANALO ng Cebuano-speaking na “mandirigma ng Diyos” dahil sa pagreporma nito sa kanyang buhay at bagong sigla sa pananampalataya.

SAMANTALA, kabilang ang BOC Port of Cebu sa mga puwerto na matagumpay na na-SURPASS ang kanilang annual collection target.

Ayon kay Entry Processing Unit (EPU) chief Chito Manahan, PATULOY ANG DAGSA ng mga entries at kanyang kinompirma ang naunang ulat na NALAMPASAN na nila ang P8,694.508-Billion annual assigned target collection dahil as of October ay naipasok na nila sa kaban ng gobyerno ang halagang P8,703.821-Billion.

BULABOG na naman ang ilang kawani sa Bureau of Customs dahil sa lumabas na Nov 18, 2013 Memo ng Department of Finance na inatasan si Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon, copy furnished naman si Deputy Commissioner Myrna S. Chua ng Internal Administration Group, na ISTRIKTONG IPATUPAD ang Customs Personnel Order No B-134-2013 na “back to mother unit” sa lahat nang kawani at opisyal ng Customs.

Napag-alaman ng DOF na merong mga kawani ng Customs na hindi bumalik sa kanilang “mother unit” dalawang buwan na ang nakalipas matapos ilabas ang nasabing CPO.

Ayon sa ilang legal experts, HINDI KASAMA sa latest DOF Memo ang mga nakapag-report na sa kanilang “mother unit” ngunit nabigyan ng CPO na ma-retain sila sa kanilang puwesto.

UMAASA ang mga kawani at mga “players” ng Aduana sa Sugbo na magiging MAHUSAY ANG PAMUMUNO ni retired Gen. Roberto Almadin sa Port of Cebu tulad ng mga nagdaang district collectors na laging pangunahin ang “trade facilitation” at ang pag-meet sa mga collection target.

Junex Doronio

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *