Friday , November 22 2024

Assets ni Gigi, 3 pa may freeze order na

112913_FRONT
NAGPALABAS na ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa bank accounts ng mga dating congressman at staff ng mga senador na sangkot sa multi-million pork barrel scam.

Sa 43-pahinang kautusan na isinulat ni CA Associate Justice Manuel Barrios, magiging epektibo ang freeze order sa loob ng tatlong buwan o 90 araw.

Kabilang sa may freeze order sa bank accounts ay sina Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile; dating staff ni Sen. Bong Revilla na si Richard Cambe; Pauline Labayen, na staff ni Sen. Jinggoy Estrada; at former Social Secretary Ruby Tuason.

Sakop ng kautusan ng appellate court ang bank accounts nina dating Agusan Del Sur Rep. Rodolfo Plaza; former Benguet Rep. Samuel Dangwa; former Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula; dating APEC Party-list Rep Edgar Valdez; Erwin Dangwa, chief of staff ni former Rep. Dangwa; at chief of staff of ni former Rep. Lanete na si Jose Sumalpong.

Hindi kasama sa freeze order ang bank accounts nina Enrile, Estrada at Revilla na unang kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkaka-sangkot sa pork barrel scam.

ni LEONARDO BASILIO

AMLC BAHALA SA 3 SENADOR

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima kahapon nais ng National Bureau of Investigation na i-freeze ang bank accounts nina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla, Jr., at Jinggoy Estrada.

Ngunit sinabi ni De Lima na ipauubaya na lamang ng Department of Justice (DoJ) at NBI ang desisyon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung sino ang isasama sa freeze order na hiniling sa Court of Appeals.

Ang pahayag na ito ni De Lima ay kasunod ng pagpapalabas ng CA ng freeze order laban bank accounts ng staff ng tatlong senador at ilang dating kongresman kaugnay sa kasong kriminal na inihain sa Office of the Ombudsman kaugnay sa P10-billion pork barrel funds scam.

Gayonman, ang pangalan ng tatlong senador ay hindi kabilang sa NBI freeze order.

“In so far as the NBI is concerned, sana lahat sila, iyan ang maging subjects of the freeze order from the Court of Appeals,” pahayag ni De Lima.

“But we know na mas may competence ang AMLC diyan tumingin at mag-evaluate ng bagay na iyan,” dagdag pa ng kalihim, idiniing inirerespeto niya ang sariling proseso ng AMLC at diskresyon nito sa pag-iiimbestiga sa fund anomaly.

“Ayaw namin na i-pressure ang AMLC kasi we know that they know what they are doing,” dagdag pa ni De Lima.

Inihayag pa ng kalihim na batid niyang hihilingin din ng AMLC ang freeze order laban sa bank accounts ng iba pang mga akusado sa pork barrel scam kapag nakuha na ang lahat ng kailangang mga dokumento at mga ebidensya na susuporta para hilingin ito sa CA. (May kasamang ulat ni Beth Julian)

Para maging state witness

MASTERMIND IPINAKAKANTA NI MIRIAM KAY NAPOLES

MULING hinikayat ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles na ikanta na kung sino ang mastermind sa pangungulimbat ng pork barrel fund.

Ito ay para maging kwalipikado si Napoles na maging state witness sa pork barrel scam.

Muling inihayag ni Sen. Miriam na hindi kakayanin ni Napoles ang pagnanakaw ng pork barrel kung walang tao na pomoprotekta sa kanya at siyang nagsisilbing mastermind

Kapag aniya nagsalita na si Napoles at sinabi o kung sino ang mastermind, maaari na siyang maging state witness dahil hindi na siya ang magiging “most guilty” sa kaso.

Mapadadali rin aniya ang pagbibigay ng desisyon ng korte kapag nagsalita si Napoles dahil ang mga sasabihin niya ay mas magiging mabigat sa mga affidavit ng mga whistleblower.

ENRILE LAGOT KAY MIRIAM SA DEC. 4

SASAGUTIN ni Senadora Miriam Defensor-Santiago sa Disyembre 4 ang mga akusasyon laban sa kanya ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile nitong Miyerkoles.

Sa ipinalabas na statement makaraan ang privilege speech ni Enrile, inihayag ng kanyang tanggapan: “[She] is ill with chronic fatigue syndrome, and was unable to access her enemy’s privilege speech.”

Binatikos ni Enrile si Santiago na aniya’y ginawang venue ang Senate Blue Ribbon Committee hearings sa pork barrel scam, sa “baseless lies” ng senadora.

Magugunitang pinasaringan ni Santiago si Enrile sa Senado nang dumalo si pork

scam queen Janet Napoles sa pagdinig kaugnay sa pork barrel scam.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *