MIYERKOLES ng gabi nang ma-monitor ko sa flash report sa isang radio station ang pag-freeze sa bank accounts ng ilang da-ting kongresista at mga staff ng senador na sangkot sa pork barrel fund scam.
Ang freeze order ay galing Court of Appeals (CA).
Sa 43-pahinang kautusan na ginawa ni Associate Justice Manuel Barrios, ipina-freeze nito ang bank accounts nina Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile; Richard Cambe, dating staff ni Sen. Bong Revilla; Pauline Labayen, staff ni Sen. Jinggoy Estrada; at dating Social Secretary na si Ruby Tuason.
Hindi na rin magagalaw nina ex-Agusan Del Sur Rep. Rodolfo Plaza, ex-Benguet Rep. Sa-muel Dangwa, ex-Cagayan de Oro Rep Constantino Jaraula, ex-APEC Party-list Rep Edgar Valdez at ex-chief of staff niyang si Erwin Dangwa, at chief of staff of ni ex-Rep. Lanete na si Jose Sumalpong ang kanilang bank accounts sa loob ng 90 days o tatlong buwan.
Ang ipinagtataka ko rito, hindi kasali sa freeze order ang amo ng mga chief of staff ng senador na sina Enrile, Estrada at Revilla na pawang kinasuhan na ng plunder ng Office of the Ombudsman.
Ang chief of staff ay sumusunod lang sa kumpas ng kamay ng kanilang amo.
Anyway, may mapi-freeze pa naman kaya sa bank accounts ng mga nabanggit na dating kongresista at chief of staffs ng mga senador na ito? E ang gugulang n’yan! Nasa ibang bansa na nga nagtatago ang ilan sa kanila e…
Planong paglagay
ng tent sa Divisoria
– Mr. Venancio, kindly check kung totoo po ba may plano ang city government ng Maynila maglagay mga (orange) tent sa Divisoria at may bayad P150 + P250, yung P150 para sa city hall at ang P250 naman para kina Jimmy Soriano at Raffy Alejandro bawat araw? Grabe ang pahirap sa mga -vendor. Bakit meron pang 3rd party nakikialam sa proyekto ni Mayor Erap? Hindi ito nakakatulong sa mga vendor kundi sinasakal kami at panay pananakot sa amin dito sa Soler. Papahuli kami kung hindi magbibigay. Salamat. – 09434711…
Kung ang binabayaran ninyo ay may opisyal na resibo, ‘yan ay papasok sa kaban ng lungsod. Pero kung walang resibo, sa bulsa nila papasok ‘yan!
Reklamo vs MPD-PS3
– Sir, sumbong ko po itong mga pulis ng presinto 3 (MPD). Pinasok nila ang bahay at pinagbintangan nila akong -pusher. Pati yung asawa ko binaboy nila. Wala silang awa. Pinera-han nga nila kami, ginahasa pa nila ang asawa ko. Anthony ang pangalan nung isang pulis na inabutan ko ng pera. Wag nyo publish ang number ko. Tinakot nya pa kami na papatayin ‘pag nagsumbong. Sana makarating ito sa kanilang hepe. Salamat po. – 0922628….
Kung totoo itong report mo, lumapit ka sa inyong barangay. Sila ang makatutulong sa ‘yo. Sila lang ang puwede magpatunay kung tulak ka o hindi. At kung totoo naman na ginahasa ang misis mo, kasuhan mo ng rape ang pulis na gumawa nito.
Daming holdaper sa Road 10,
sakop ng MPD-PS1
– Report ko po ang grabeng holdapan dito sa Road 10, sakop ng Brgy. 123 Zone 9. Ang mastermind ay grupo nina alyas “Arnel”. Pati solvent boys nagkalat dito sa highways, nanghahablot ng mga gamit ng mga dumadaan laluna yung alyas “Boknoy?. Nananawagan kami sa mga pulis na hulihin naman ang mga kriminal na ito. Salamat po. – 09204749…
Paging MPD-PS1 Commander, aksyon pls…
Panawagan kay Mayor
Gatchalian ng Valenzuela City
– Sir Joey, sana po mapaabot nyo ke Mayor Gatchalian ang pedestrian lane dito sa harap ng SSS Valenzuela City. Para kang nakikipaglaro ke ‘Kamatayan’ dahil hindi humihinto ang mga motorista kahit me mga tatawid. Sana po magtalaga sila ng traffic enforcers… ‘wag na nilang antayin me mamatay muna bago kumilos. Salamat po. – 09174711…
Quiapo underpass
puno ng vendors,
wala nang madaanan…
– Sir Joey, paki-parating kay Mayor Erap Estrada na yung underpass sa may Quiapo, papuntang simbahan, kada-ming vendors. Halos ‘di na makadaan ang mga tao sa sobrang dami ng nagtitinda. Tapos pag nasagi po mga paninda nila, nagagalit sila. Kaya paki-parating nalang po. Maraming salamat. – 09075763…
Panawagan
sa taga-MPD Traffic
– Mr. Venancio, nais ko po sanang idulog sa inyo yung harap ng Melchora Elem. School na matatagpuan po dito sa Solis st., sakop po ng Stn 7 (MPD). Tuwing magsundo po ako ay halos hindi na po madaanan yung kalsada dahil po sa mga nakarapadang sirang tricycle sa harap mismo ng gate ng eskuwealhan. Sana po ay mapaaksiyunan nyo ito. Salamat. – 0921470…
Obstruction itong reklamo n’yo. Kung hindi ‘yan maalis ng inyong barangay, maaari nang hakutin ‘yan ng MPD Traffic. Paging Ma’m Olive Sumagaysay…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio