Sunday , December 22 2024

6 assault rifles kinompiska ng BoC

112913 biazon boc gun
ISA-ISANG iniinspeksyon nina Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon, ESS Operation Chief Regie Tuazon at NAIA District Commander Spas Marlon Almeda ang iba’t ibang klase ng matataas na baril at bala na inabandona sa kanilang kustodiya sa NAIA Airport Pier Cargo, mula pa noong Pebrero 9, 2012. (BONG SON)

SINAMSAM ng Bureau of Customs (BoC) sa isang wareshouse ang anim na assault rifles na nauna nang nabisto ng ahensya may mahigit isang taon na ang nakararaan.

Ipinakita sa mga mamamahayag ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang sinamsam na long firearms kabilang ang dalawang piraso ng Colt Defense; apat pirasong M4 carbine; 30 pirasong magazines; apat pirasong upper receiver bolt at apat pirasong buttstock at buffler assembly.

Sinabi ni Biazon, ang nasabing assault rifles ay nasabat noon pang taon 2011matapos mapunta ang shipment sa isang pekeng consignment  kaya dinala ito sa Pair Cargo warehouse.

Nagkaroon ng bagong pamumuno sa nasabing warehouse kaya nagkaroon ng inventory hanggang idineklarang pwede nang i-dispose ang nasabing assault rifles, dagdag pa ng BoC chief.

Naka-consign ang nasabing kargamento para sa Philippine National Police (PNP) ngunit walang framework para rito, hanggang tuluyan itong inabandona.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *