Monday , December 23 2024

Willie Revillame natalo nang Bilyon sa Solaire Casino?

00 Bulabugin JSY
SANA naman ay HINDI totoo ang IMPORMASYON na nai-feed sa inyong lingkod …

Ito ay tungkol sa pagkalulong at pagkatalo nang halos BILYON na ng TV host na si WILLIE REVILLAME sa Solaire Casino.

Sa totoo lang nanghihinayang tayo kung totoo man ang kinasadlakang ito ni Willie boy…

Uulitin ko lang ang sabi ng mga minsan ay nalulong sa bisyong ito: “Walang yumayaman sa casino.”

Merong mga nasisira ang ulo, nasisira ang pamilya habang ang iba ay hindi nakababawi sa pagkalugmok pero kahit kailan ay walang yumaman sa bisyong ito.

Ibang klase nga raw kung ‘MAGLARO’ si Willie.

Pumupunta siya sa Solaire na naka-CHOPPER  at deretso na sa VIP room 2nd floor, kaya hindi siya nakikita ng mga tao roon.

Ayon pa sa ating very reliable source, si Willie ay doon umuupo sa mayroong table limit na P5 million to P10 million.

Kaya hindi na nakapagtataka kung matalo man siya ng P200 milyones hanggang P300 milyones isang gabi.

Hindi lang ang source natin ang nakapapansin sa grabeng pagkahaling at pagkalulong umano ni Willie sa Casino.

Maging ang may-ari ng Solaire Hotel & Casino na si Mr. Enrique Razon ay kinausap na rin umano si Willie na tumigil na sa ‘paglalaro’ dahil mahihirapan na siyang makabawi.

Kung totoo man ang nangyayaring ito kay Willie Revillame, sayang naman ang mga kinita niya.

Sayang ang mga naipundar niya kung uubusin n’ya lang sa paglalaro sa Casino.

Alam n’yo naman sa casino, kahit na sandamakmak ang pera mo o kahit anong haba pa ng pisi mo, wala  kang panalo …mauubos ka rin…

In short sayang ang lahat ng pinagputahan ‘este’ pinagpaguran niya.

Anyway, hihinatayin pa rin natin ang paglilinaw ni Mr. Willie Revillame sa isyung ito na siya ay nalululong umano sa Casino.

Bukas ang BULABUGIN, sa panig mo, Mr. Revillame.

EX-GIRLFRIEND HINA-HARASS NG PULIS (PO-2 AZURIN) NG LUBAO, PAMPANGA (ATTN: SILG MAR ROXAS)

IBANG klase rin ang PO2 AZURIN ng Lubao Police Station sa Pampanga, halos bagito pa lang ‘yata sa serbisyo pero kung umasta halos walang panama ang mga bossing niya sa Philippine National Police (PNP).

‘E bakit kamo, nakarating sa ating kaalaman na may naging nobya siya pero nagdesisyong makipaghiwalay na ng babae sa kanya nang kanyang madiskubre na may pamilya na pala ang mokong na lespu.

Eto ang siste, nagpupumilit ang damuhong pulis na balikan siya ng kaawa-awang babae.

At nitong huli, kamakailan lang, ay nagpakita ng kayabangan, pananakot at pwersa nang magtungo sa bahay ng babae. Naka-complete uniform pa kasama ang ilang mga kasamahan na pawang mga naka-uniporme at mismo sa harap ng tahanan ng babae sila nag-inuman ng alak.

Papayagan ba ni PNP Region 3 Regional Director na si Gen. Raul Petrasanta at provincial director na si Col. Oscar Agbayalde ang ganitong asta ng pulis nila?

Ang alam natin, ayaw ng dalawang opisyal ng isang IMORAL at ABUSADONG pulis tulad ng iginagawi ni PO2 Azurin.

Gen. Petrasanta at Col. Agbayalde, pwede bang bigyan pansin ninyo ito at paimbestigahan ang pinaggagagawa nitong si Azurin.

‘E talagang kawawa naman po ‘yung babae sa ginagawa niyang pananakot.

Hindi ba’t may pananagutan sa batas ang isang imoral, mayabang at abusadong pulis, ‘di ba mga Ser?

PAKIBUSISI lang po!

NAIA T-1 ARRIVAL CURBSIDE MUKHANG PALENGKE NA NAMAN!?

CHRISTMAS is fast approaching. Sa ganitong panahon, asahan na para na namang palengke ang eksenang bubulaga sa ating mga paliparan.

Just observe for yourself if tama o mali ang iningunguso sa atin ng ilang pasahero nito lamang nakalipas na mga araw.

Nasaksihan ito ng kapwa bagong dating na kaibigan/pasahero mula Singapore. Ang ating tipster na naglitanya ng kanyang patotoo ay patungong Pasay City. Nang marinig ang point of destination nito na ‘danggit’ halos walang pumapansin na taxi.

Pero ang kasamahang pasahero ng ating impormante, nang malaman na  patungong Pampanga ay  nanlaki kaagad ang mata ng mga transport solicitor. Imbes ibato sa next in line na unit ay ini-award agad doon sa ‘kakosa’ nilang driver na ‘naghahatag’ sa kanila. Sa yellow cab ‘yan ha.

Doon naman sa rent-a-car ay para namang mga asong ulol na walang bakuna ang hitsura ng mga solicitor.

Kapag kalalabas lamang ng mga bagong dating na mga pasahero, turista man o balikbayan o Pinoy workers ay welcome back o kaya naman ay welcome to the Philippines ang nakangiting pagbati.

Mainit na pagsalubong ang kanilang ginagawa at boladas rakatak ang mauulinigan makuha lamang ang kanilang nais na makuha at kung wala pang tiket patungong lalawigan ng newly arrived na pasahero ay meron din sila.

‘Yun nga lang kung sa mga kagawad ng rent-a-car ka kukuha ng plane ticket, kahit na anong airlines, may patong na P5K kundi man P4K.

Kaya kawawa ang mga kababayan natin na lantarang nabibiktima ng ganitong uri ng panloloko sa airport.

Perang pinaghirapan sa abroad, sa mandurugas lamang sa NAIA mapupunta!

Sonabagan!!!

Ito ang dapat silipin ng mga awtoridad sa airport.

Aksyon!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *