Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sadorra kampeon sa Dallas Inv’l Chess

IPINAGMALAKI ng mga Pinoy si Manny Pacquiao matapos manaig kay Brandon Rios noong Linggo.

Sa larangan ng chess, puwede ring ipangalandakan ang husay ni Pinoy GM Julio Catalino Sadorra.

Masaya rin ang mga Pinoy chess fans nang angkinin naman ni Philippine Chess ranked No. 3 Sadorra ang 2013 UT Dallas Fall Grandmaster Invitational na ginanap sa Embassy Suits, Dallas, Texas noong Martes.

Sumulong si Sadorra ng 6.5 points matapos itulak ang dalawang huling panalo sa event na ipinatupad ang nine-games round robin format.

Pinagpag ni Sadorra (elo 2577) sa last at ninth round si Velentin Yotov (elo 2568) ng Bulgaria sa 24 moves ng Reti upang siguruhin na masusungkit ang titulo.

Sa penultimate round, alanganin ang posisyon ni Sadorra subalit nagawan nito ng paraan para manalo upang umangat ng kalahating puntos sa mga katunggali papasok ng huling ikot.      (A. P. DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …